Sinasabi ng Starbucks na plano nito na isara ang 8,000 cafe nito sa buong Estados Unidos ng kalahating araw sa susunod na buwan upang bigyan ang kanilang mga empleyado ng pagsasanay tungkol sa racial tolerance.
Ang hakbang ay gagawin pagkatapos ng naganap na pag-aresto sa dalawang black male sa isang Starbucks sa Philadelphia, Pennsylvania, noong nakaraang Huwebes dahil sa diumano’y trespassing. Ang isang empleyado ng cafe ay tumawag sa pulis na nagsasabing tumanggi ang mga lalaki na bumili o umalis.
Sinabi ng lokal na media na naghihintay ang mga lalaki sa isang kaibigan. Napakita sa isang video na ang pulisya ay lumapit sa mga lalaki na nakaupo sa isang lamesa at pinagsabihan sila na lumabas. Ang mga lalaki ay lumabas din kinalaunan.
Ang pag-aresto ay nag udyok ng mga protesta na nagsasabing may nakitang racial profiling at dumami ang may hiling na i-boycott ang kompanya matapos kumalat ang video na na-upload sa twitter
Sinabi noong martes na ang 175,000 na empleyado sa direct management ng store ay makakatanggap ng pagsasanay sa hapon ng ika-29.
Bago pa ang anunsyo, ang chief ng Starbucks na si Kevin Johnson ay nakipagkita sa mga lalaki at humingi ng paumanhin. Siya ay nagbigay ng isang pahayag na gagawin ng kompanya ang nararapat upang maibalik ang tiwala ng publiko.
Source: NHK Image: Bank Image
Join the Conversation