Sinimulan ng kilalanin ng Fukuoka Prefecture ang samahang LGBT

LGBT kinilala na pag-sasama sa Lungsod ng Fukuoka.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Sa Fukuoka, ang pamahalaan ng lungsod ng Fukuoka ay sinimulan ng kilalanin ang mga nag-sasamang tomboy, bakla, bisexual at trangender upang labanan ang maling pakiki-tungo, paningin at diskriminasyon sa mga ito ng mga mamamayan.

Ang lungsod sa timo-kanluran ng Japan ay ang ika-7 munisipal na nag-lungsad ng ganitong sistema matapos maunang mag-lungsad ang Shibuya Ward sa Tokyo nuong taong 2015.

Pinatunayan ni Mayor Soichiro Takashima ang pag-apruba sa dokumentong ipinasa ng isang magka-sintahan sa munisipyo ng nasabing lungsod.

&nbspSinimulan ng kilalanin ng Fukuoka Prefecture ang samahang LGBT
(illustrative image)

Ani ni Anri Ishizaki, (33) representative ng isang support group para sa LGBT “ Kami ay matagal ng nag-sasama bilang isang pamilya at kami ay masaya, ngunit mas nakaka-gaan ng loob ngayon kasi parang tinanggap na kami ng lipunan.”

Si Ishizaki ay ipinanganak na babae ngunit namumuhay bilang isang lalaki ay bumisita sa munisipyo upang kumuha ng pag-papatunay na dokumento bilang mag-asawa kasama ang kanyang kinakasama na si Miho Yamashita, (27).

Ang nasabing dokumento ay walang legal na karapatan o obligasyon tulad ng mga kinasal sa ilalim ng batas sibil. Ngunit ang mga nag-sasama sa ilalim ng nasabing sistema ay tatratuhin na katumbas ng mga mag-asawa, maaari rin silang mag-apply sa mga pabahay ng gobyerno o maka-tanggap ng medical treatment sa mga pagamutan ng bayan.

Ang mga nag-sasamang mga LGBT ay dapat magpa-reserve upang maka-tanggap ng nasabing dokumento. Mayroon ng 5 couples na nagpa-reserve nuong lunes, ayon sa pamahalaan ng lungsod.

Source: Japan Today
Image: Bank Image
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund