Sinimulan na ng Lawson ang self-checkout service gamit ang smartphone sa mga stores sa Tokyo

Sa pamamagitan ng pag-download ng opisyal na smartphone application ng Lawson, ang mga customer ay maaaring magsimulang magbasa ng mga barcode sa kanilang mga pinamili gamit ang smartphone camera

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Noong lunes, ang chain store na Convenience Lawson Inc. ay nagsimula ng isang self-checkout na serbisyo na nagpapahintulot sa mga customer na magbayad sa pamamagitan ng smartphone sa isang trial basis sa kanilang tatlong tindahan sa Tokyo.

Sa pamamagitan ng pag-automate, nilalayon ng Lawson na bawasan ang pasanin ng mga empleyado sa tindahan at bilang tugon ito sa kakulangan ng manpower, habang ang mga customer naman ay makakaiwas na pumila sa mahabang linya ng mga cash register lalo na kapag busy ang store.

Ang plano ng Lawson ay ipagpatuloy ang trial service sa self-checkout hanggang Mayo 31. Pagkatapos gumawa ng kinakailangang mga pagbabago batay sa feedback ng customer, inaasahan ng kumpanya na mapalawak ang serbisyo sa mga stores sa labas ng kabisera bago dumating ang autumn.

&nbspSinimulan na ng Lawson ang self-checkout service gamit ang smartphone sa mga stores sa Tokyo
Ang mga customer ay makakaiwas na pumila sa mahabang linya ng mga cash register lalo na kapag busy ang store. (ANN)

Sa pamamagitan ng pag-download ng opisyal na smartphone application ng Lawson, ang mga customer ay maaaring magsimulang magbasa ng mga barcode sa kanilang mga pinamili gamit ang smartphone camera. Kapag lalabas ng store, kakailanganin ng mga customer na i-hold ang kanilang mga smartphone sa isang terminal device malapit sa exit.

“Gusto naming mabawasan ang stress na nauugnay sa pamimili kapag mahaba ang pila,” sabi ni Lawson CEO Sadanobu Takemasu.

Source: Kyodo
Image: ANN
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund