Kinilalang pinaka-matanda sa buong mundo si Masazo Nonaka sa edad na 112 mula sa bansang Japan. Ibinahagi ng kanyang pamilya ang kaniyang sikreto, mahilig umano sa hot spring at matatamis na pag-kain ang matanda.
Si Nonaka ay ipinanganak nuong ika-25 ng Hulyo taong 1905, ilang buwan lamang bago i-published ni Albert Einstein ang “theory of special relativity” . Pinarangalan si Nonaka ng sertipiko mula sa Guinness Book of Records sa kanyang tahanan sa Isla ng Hokkaido sa kanluran bahagi ng Japan.
Siya ay naka-tira kasama ang kanyang pamilya na nag-mamay ari ng mga hot springs inns.
Kahit na siya ay nasa magandang kondisyon, kinakailangan pa rin niya gumamit ng wheelchair upang maka-galaw-galaw, ayon sa kanyang apo na si Yuko Nonaka.
Mahilig siyang kumain ng kahit na anong matamis, japanese or western na pag-kain, sinabi niya sa AFP. Araw araw nag babasa ng dyaryo at palagi siyang lumuloblob sa hot spring.
Mayroong siyang 7 kapatid na lalaki at isang kapatid na babae na nakatira sa karatig lugar, bayan ng Asohoro sa hokkaido.
Pinakasalan ni Nonaka ang kanyang asawa na si Hatsuno nuong taong 1931 at biniyayaan sila ng 5 anak, ayon sa Guinness World Records.
Automatikong nakuha ni Nonaka ang titulo nuong namatay si Francisco Nunez Olivera ng Espanya nuong Pebrero sa edad na 113, ayon sa nasabing organisasyon.
Sa kasalukuyan, ang Guinness World Record ay patuloy na nag-hahanap ng posibleng hangaling pinaka-matandang tao sa buong mundo dahil mula nuong namatay si Violet Brown ng jamaica ay wala pang tumatalo rito sa edad na 117.
Ang bansang Japan ay kilala bilang isa sa bansang mayroong pinaka-matatandang taong nabubuhay. Kasama rito ay ilan sa mga dating title holder, kabilang dito ay si Jiroemon Kimura na binawian ng buhay nuong Hunyo 2013 sa edad na 116.
Ayon sa gobyerno, nuong nakaraang taon nag-tala ng mahigit na 68,000 bilang ng tao na nag-eedad sa 100 at pataas ang naninirahan sa ibang bansa.
Source: Japan Today Image: Guinness World Records
Join the Conversation