Ang isla ng Boracay sa Pilipinas ay isasara sa mga turista sa loob ng anim na buwan kasunod ng mga alalahanin ng mga pinsala sa kanyang dating malinis na karagatan.
Sinabi ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsisimula ang pagsasara sa 26 Abril.
Noong simula ng taong, sinabi ni Duterte na ang Boracay ay naging isang “cesspool” at nagbanta na ipapasara ito.
Ang isla, na kilala sa mga white sand beaches nito, ay nakakuha ng halos 2 milyong bisita noong nakaraang taon.
Ang desisyon ay nag-udyok ng pag-aalala para sa libu-libong tao na nagtatrabaho sa busy na turismo ng Boracay.
Ang isla ay tahanan sa mahigit 500 na mga negosyo na may kaugnayan sa turismo, na kung saan ay nakakakuha sa taunang kita ng $ 1.07bn (£ 760m) noong nakaraang taon. Sinabi ng pamahalaan na ang mga apektadong kumpanya ay makakatanggap ng tulong pinansyal.
Hindi malinaw kung paano maipatupad ang pagsasara, kahit na ang department of trade and industry ay naunang iminungkahi na isara ang mga isla sa mga yugto o parte, na sinasabi na ang kabuuang pag-shutdown ay magkakaroon ng malaking pinsala sa mga negosyo at kabuhayan.
Concerns sa pagkasira
Ang pagpasya na ipasara ito ay dahil sa pag-aalala sa kalusugan ng kapaligiran ng isla
Ang mga opisyal ay nagbabala na ang mga negosyo ay nagtatapon ng wastewater sa kapaligiran ng dagat.
Kinundena noong Pebrero ni Pagulong Duterte ang mga hotel, restaurant at iba pang mga negosyo ng isla, inaakusahan sila pagtapon ng dumi ng sewage direkta sa dagat.
“Kakasuhan ko kayo sa malubhang kapabayaan ng tungkulin at gawing isang fishpond o isang imburnal ang Boracay,” sabi ni Duterte noong panahong iyon.
“Alin sa dalawa, linisan nyo ito o ipapasara ko ito ng permanente. Dadating ang panahon na hindi na lalapit ang mga dayuhan dyan”
Source: BBC Image: Bank Image
Join the Conversation