Nagkaroon na ng kasunduan ang Pilipinas at Japan na magkasamang magsagawa ng feasibility study at maghanda ng master plan para sa isang flood control at drainage system sa Davao City.
Sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong Martes na gagawin ang master plan ng ahensiya at ng Japan International Cooperation Agency (JICA).
Si DPWH Secretary Mark Villar at ang punong kinatawan ng JICA Philippines na si Yoshia Wada ay pinirmahan ang kasunduan noong Abril 23.
Nilalayon ang kasunduan na maiwasan ang pagbaha sa lungsod sa pamamagitan ng pagpapahusay ng river basin at pagpapabuti ng sistema ng paagusan.
Ang “Davao City’s Flood Control at Drainage Project Master Plan at Feasibility Study ay matatapos within 24-month time frame, at maaaring magamit sa pag-implementa ng projects na makakabawas ng pinsala ng pagbaha sa Davao City,” sinabi sa isang statent ng DPWH.
Ang proyekto ay gagawin sa tatlong yugto – pagsasama ng pangunahing impormasyon o data na may kaugnayan sa proyekto; Ang paglikha ng isang master plan, drainage at flood-control system, na kinabibilangan ng Davao River, Matina River, at Talomo River Basin; at pagsasagawa ng pag-aaral ng feasible study at prayoridad na proyekto.
Source: Inquirer
Join the Conversation