Gumawa ng isang memorial ceremony nuong ika-14 ng Abril sa Kumamoto upang gunitain ang nangyaring sakuna mula sa malakas na lindol na nag-iwan ng dose-dosenang patay dalawang taon na ang naka-lilipas.
Dahil sa lakas ng lindol, gumuho ang mga kabahayan sa nasabing lugar at nag-resulta ng pagka-matay ng mahigit na 50 katao. 5 katao pa ang namatay dahil sa pag-guho ng mga lupa mula sa sunod-sunod na pag-buhos ng ulan.
Ngunit ang pang-wakas na bilang ng mga namatay ay tumatantyang mahigit sa 212. Ang sanhi ng kamatayan ng iba ay dahil sa kahirapan sa pisikal at mental na sitwasyon at iba pang mga sanhi.
Ang prepektura ng Kumamoto ay nag-sagawa ng memorial ceremony sa kanilang tanggapan na dinaluhan ng 319 katao, kabilang ang mga ka-anak ng mga pumanaw.
Sa Mashiki, lugar kung saan matindi ang naging tama ng lindol, ang mga residente ay nag-alay ng mga dasal sa mga gusali at kabahayan na gumuho dahil sa nasabing kalamidad.
Ang naitalang 2 malakas na lindol ay tumama sa nasabing prepektura nuong gabi ng ika-14 ng Abril at gabi ng ika-16 ng Abril. Ayon sa Japanese Seismic Scale, ito ay parehong nag-tala ng intensity 7.
Ayon sa taga-pangasiwa ng prepektura, nitong katapusan ng Marso mayroong mahigit 38,112 na residente pa ang naninirahan sa mga pansamatalang pa-bahay. Ito ay bumaba na ng mahigit 10,000 mula sa paunang bilang na nai-tala.
Ang pansamantalang tirahan ay maaaring gamitin hanggang 2 taon lamang.
Ayon sa mga opisyales, hinihiling ng mga nasalantang residente na madagdagan ang palugit na taon sa pag-tira sa mga pansamantalang pa-bahay dahil sa hindi pa lubos tapos ang pag-papagawa ng kani-kanilang tirahan na nasira dahil sa nangyaring sakuna.
Source: Asahi Shinbun Image: Wikimedia
Join the Conversation