Ang mga bisita na galing sa ibang bansa sa ancient Japanese capital na Nara sa Japan ay makikita na ngayon ang mga babala o warning signs sa wikang english at chinese na nagpapaliwanag kung paano makitungo nang ligtas sa mga ligaw na usa o wild deer ng lungsod.
Ang Nara Park ay isang popular na atraksyong panturista kung saan ang mga tao ay nagpapakain at kumukuha ng mga larawan kasama ang mga deers na malayang nakakapaglakad sa lugar. Ang mga hayop ay protektado bilang mga itinalagang pambansang kayamanan.
Ngunit sinabi ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan na may 180 katao ang nakagat o natumba ng usa sa nakalipas na taon.
Karamihan sa mga aksidente ay nangyayari kapag ang mga foreign tourist ay nagpapakain sa kanila ng mga espesyal na deer crackers.
Noong Martes, nagsimula ang mga opisyal ng Nara Prefecture ng pag-install ng mga karatula sa Ingles at Chinese na malapit sa mga tindahan sa parke na nagbebenta ng crackers.
Ang mga shop attendant ay nagbabala sa mga bisita tungkol sa pagbibigay ng crackers sa mga usa at habang pinapakain nila ito, pinayuhan silang buksan at ipakita ang dalawang kamay upang ipahiwatig na ubos na ang crackers.
Sinasabi ng isang clerk ng tindahan na nagsikap siyang ipaliwanag sa mga dayuhang turista at magbigay ng babala ngunit nahirapan siya dahil sa kanyang limitadong bokabularyo.
Sinasabi ng mga opisyal na inaasahan nila na ang mga warning signs ay makakatulong sa mga bisita na tangkilikin at i-enjoy ang Nara nang walang anumang hindi kanais-nais na aksidente.
Source: NHK Image: Bank Image
Join the Conversation