Nagka-sundo ang dalawang korea na ipa-tupad ang complete denuclearization

Balita sa Asia: pagkaka-sundo ng South at North Korea, nilagdaan na.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspNagka-sundo ang dalawang korea na ipa-tupad ang complete denuclearization
North Korean Leader Kim Jong Un at South Korean President Moon Jae-in

Ang mga pinuno ng North at South Korea ay nagka-sundo sa kanilang maka-saysayang summit na ipa-tupad ang layunin nila na “complete denuclearization” ng Korean Peninsula.

Nilagdaan ng South Korean President na si Moon Jae-In at North Korean Leader na si Kim Jong Un and kanilang joint declaration kasunod ang usapin sa pag-tiggil ng labanan sa nayon ng Panmunjom nuong Biyernes.

Ang naturang summit ay ikatlong sa uri nito at una sa loob ng 10 taon at kalahati. Nag usap ang dalawang pinuno na sina Moon at Kim sa Peace House ng South Korea nuong umaga. Matapos ang pananghalian, sila ay nag-kwentuhan habang namamasyal, at ito ay sinundan pa ng isang pag-pupulong.

Ang “Panmunjom Declaration” na nilagdaan ng dalwang pinuno ay nag-tatala ng mga kasalukuyang hakbang na ginawa ng mga taga-Norte na isang “isang makabuluhan” para sa pag-sasagawa ng denuclearization ng Korean Peninsula. Ang naturing na hakbang ay tumutukoy sa anunsiyong ginawa ni Kim na ipatitigil ang lahat ng nuclear test at mga test-lauches ng inter-continental ballisitic missile at tuluyang ipasara ang kanilang nuclear test site.

Naka-saad sa deklarasyon na inaapirmahan ng 2 Korea ang parehong layunin na mag-karoon ng nuclear-free Korean Peninsula sa pamamagitan ng pag-kakaroon ng complete denuclearization, at sila ay mag-tutulong mag-karoon ng akitibong pag-pupursigi upang makuha ang suporta pang-internasyonal at kooperasyon para maisa-tuparan ang nasabing layunin.

Ngunit, hindi naka-saad sa deklarasyon kung kailan at paano i-aabandona ng Pyongyang ang kanilang mga nuclear weapons. Ang isyu ay isinan-tabi muna hanggang sa isulong ang ipina-planong summit ng North Korea at Estados Unidos.

Sinabi rin umano nila Moon at Kim na nais nilang i-deklara ang pag-tatapos ng Korean War ngayong taon, na nag-mamarka ng ika-65 taon mula nuong 1953 pansamantalang kapayapaan.

Ani ng 2 bansa, upang ma-palitan ng Peace Treaty ang pansamantalang kapayapaan, kina-kailangan umano nilang maging aktibo sa pakikipag-ugnayan sa Estados Unidos at China.

Upang maibsan ang tensyon sa bawat kampo, nagka-sundo ang 2 bansa na ipa-tigil ang mga pagbo-broadcast ng mga propaganda, pag-bibigay ng mga fliers, at iba pang gawain na hindi sasang-ayon sa pag-kakaroon kapayapaan ng bawat bansa mula ika-1 ng Mayo. Nagka-sundo rin ang dalawa na ipa-tigil na ang lahat ng mga gawaing  nag-uugnay rito.

Pinag-kasunduan rin umano ng 2 bansa na palitan ng peace zone ang demiliterized zone sa tunay na kahulugan, nais din nila mag-talaga ng maritime peace zone sa Yellow Sea sa Kanluran ng Korean Peninsula. Ito ay upang maiwasan ang aksidenteng pag-babanggaan ng mga militar.

Nagpag-desisyonan rin umano ang North at South na mag-lagay ng permanent liaison office sa Kaesong sa southern North Korea, ito ay lalagyan ng opisyales mula sa 2 bansa.

Nais rin nilang mag-sagawa ng isang pag-pupulong sa Red Cross ng bawat bansa upang talakayin ang patuloy na pag-sasama muli ng mga pamilyang nagka-hiwalay dahil sa Korean War.

Nagka-sundo rin ang dalawa na bibisita si President Moon sa Pyongyang sa darating na Tag-sibol.

Sa isang conference na isinagawa matapos ang signing ceremony, sinabi ni Kim na pumuntya siya sa Panmunjom upang makipag-ayos at mag-karoon ng tahimik at mapayapang buhay at upang mag-karoon ng mabuting hinaharap. Pinirmahan niya umano ang joint declaration upang matamasa ang kapayapaan at muling pakikipag-samahan muli sa nasabing bansa.

Source: NHK World Japan
Image: TalkRadio
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund