Nag-buga ng usok at bato ang isang bulkan sa Kyushu

Walang naitalang pinsala sa pag-sabok ng isang bulkan sa Kyushu nuong naka-raang Huwebes

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Sa Tokyo, isang bulkan sa Japan ang pumutok nuong Huwebes, ito ay nag-buga ng usok at bato na nag-resulta sa pag-babawal ng mga autoridad sa pag-punta ng mga tao sa tuktok ng bundok. Wala naman na i-report na damages at napinsala sa nasabing insidente.

Ang Mt. Io ay isang bulkan na mayroong taas na 1,298 na metro at naka-tayo sa pagitan ng Miyazaki at Kagoshima Prefecture sa Kyushu. Ito ang pinaka-bagong bulkan na pumutok dito sa Japan ngayong taon. Isa ang naitalang namatay dahil dito.

Nakita sa kuha ng isang istasyon ng telebisyon ang mga kulay abo na lumalabas sa ilang bahagi ng bundok sa area ng Kirishima, na nasa isang rural na lugar.

&nbspNag-buga ng usok at bato ang isang bulkan sa Kyushu

Nag-labas ng warning level 3 mula sa level 2 ang Japan Meteorological Agency, base sa 5-level scale ng Japan. Dapat ang ibinubugang mga bato ng bulkan ay may layo ng 2 kilometro.

Nuong Enero, 1 militar ang namatay at 11 katao naman ang napinsala at ang iba ay nasa kritikal na kondisyon nang mag-buga mga bato ang Bulkang Kusatsu-Shirane sa mga nag ii-skii sa isang resort sa Central Japan.

Makalipas ang 2 buwan, ang bulkang Shinmoedake- isang bulkan na ipinalabas sa isang James Bond na pelikula nuong taong 1960 na mapapa-sama sa lugar kung nasaan ang Mt. Io ay nag-buka ng usok at abo libo-libong metro ang taas sa kalangitan.

Ang Japan ay mayroong mahigit na 110 aktibong bulkan at 47 dito ang palaging mino-monitor. Nuong taong 2014 buwan ng Septyembre, 63 katao ang binawian ng buhay sa Mt. Ontake, ito ay isa sa pinaka-malalang naitala na natamong pinsala dahil sa pag-putok ng bulkan sa Japan sa halos 90 taon.

Source: Japan Today
Image: ANN
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund