Ang grupo ng mga estudyante ng Tokyo elementary at high school students ay nagsisikap na makapagbenta ng mga chocolate upang mai-donate sa anak ng mga refugee na tumakas sa mga armadong grupo sa Pilipinas.
Bagamat nagpapaiba-iba sila ng lugar ng pagkukunan ng suporta, hindi pa din tumataas ang bilang ng kanilang kinikita sa pagbenta at mayroon pang natitirang 900 bags ng chocolate na mage-expire na ngayong Junyo. Sinabi ng isang miyembro, “sisikapin ko makabenta kahit isa dahil gusto ko talagang makatulong.”
Ang grupo ay binubuo ng nasa 20 na elementary, middle at high school students na kasali sa isang accredited na NPO na “Free The Children Japan” (Setagaya Ward). Sa pagkakataong ito, nagpasya silang italaga ang suporta para sa muling pagbangon sa pamumuhay ng mga bata na lumikas mula sa labanan ng mga pwersa ng pamahalaan at armadong grupo na nangangako ng katapatan sa mga militanteng grupo na “Muslim na bansa” (IS) na naganap noong nakaraang taon sa Isla ng Mindanao sa Pilipinas.
Nagsimula ang pagplano noong nakaraang taon ng Oktubre, ang mga estudyante ang gumawa ng packaging designs, pagbalot at pagbebenta. Ang mga chocolate ay ginawa ng mga confectionary manufacturers.
May tatlong crunch chocolate sa isang pack na nagkakahalaga ng 250 yen (tax included), may dalawang klaseng lasa, strawberry at milk. Ang 150 yen ng kada pack ay ido-donate sa isang lokal na organization. Sa kasalukuyan, nakalikom na ng donasyon ng mahigit 250,000 yen, pero kapag ito ay na-sold out maaaring makalikom pa ng karagdagang 130,000 yen.
Para sa packaging, may Tagalog na nakasulat na “Ngiti” na ibig sabihin ay “smile”. Sinabi ni Mr. Kanna Ito (17) “Maliit lamang na bagay ito, pero sapat na para mabago ang mundo.”
Sa May 19, ibebenta ito sa “Takashimaya Times Square” malapit sa Shinjuku station “Shokuiku Marche” (10:30 am – 7:30 pm). Maari din itong mabili sa website ng organization (i-search by organization name “Free The Children Japan”).
For inquiries 03(6321) 8948 11 am – 4 pm on weekdays.
Source: Tokyo Shimbun
Join the Conversation