Sinabi ng Nagoya Customs noong Martes na nagsimula itong gumamit ng walk-through metal detectors sa Chubu airport sa Nagoya matapos ang pagdami ng gold smuggling.
Sinusubukan ng mga smuggler na iwasan ang 8 porsiyento na buwis sa pagkonsumo na ipinapataw sa mga import ng ginto na nagkakahalaga ng mahigit sa 200,000 yen at ibinebenta ito sa presyo na kasama ang buwis.
Mahigit 90 units ng walk-through detectors ang ginagamit na sa mga airports at ports sa buong bansa upang makatipid sa oras at mas mapahusay ang pagdetect ng gold keysa sa mga handheld detectors.
Ang installation ng mga devices ang napagpasyahan simula noong nagsimula ang revised Japanese Customs Law noong Martes, at pina-doble maximum fine para sa gold smuggling hanggang 10 million yen.
Ayon sa government data, ang halaga ng gold na na-smuggle at na-kumpiska sa Japan ay lumago ng 2.2-fold sa 2017.
Source: Kyodo Image: Bank Image
Join the Conversation