Isang survey ng isang grupo ng pribadong-sektor ang naka-tagpo ng kabuuang 2,286 na “Kodomo Shokudo” o karinderia na nag-aalok ng pagkain sa mga bata ng walang bayad o kaya naman ay mayroong mababang presyo lamang sa Japan bilang bahagi ng pag-sisikap upang matugunan ang isyu ng kahirapan ng mga kabataan.
Ang bilang ng Kodomo Shokudo ay pina-niniwalaang bumaba nuong mga nakaraang taon na sumasalamin sa pag-taas ng kamalayan ng publiko sa isyu ng kahirapan ng mga kabataan. “Ang tulong na pinansyal ng mga lokal na pamahalaan ay nag-ambag din sa pag-bubukas ng mga naturang karinderia,” ayon sa grupo na sumusuporta sa Kodomo Shokudo.
Ang grupo na pina-ngungunahan ni Makoto Yuasa, isang propesor sa Hosei University ay nag-sasagawa ng survey sa pamamagitan ng Social Welfare Council sa 47 na prepektura at ini-ulat ang sitwasyon sa unang pagkaka-taon.
Ang unang Kodomo Shokudo ay pinaniniwalaang inilunsad sa Ota Ward sa Tokyo nuong 2012. Sa kasalukuyan, ang mga non-profit organization, social welfare corporations at iba’t-ibang grupo ang nagpapa-takbo ng karinderia ng Kodomo Shokudo.
Ayon sa survey sa mga prepektura, sa Tokyo ang may pinaka-malaking bilang ng Kodomo Shokudo na may bilang na 335, sinundan naman ito ng Osaka sa 219 at Kanagawa sa bilang na 169.
Source: News on Japan Image: Bank Image
Join the Conversation