Lalaking nasa platform, nahagip ng train matapos makipag-away sa kapwa commuter

Ang biktima ay nagreklamo umano sa suspect dahil masyadong malakas ang boses ng Chinese habang nakikipag-usap sa kanyang kaibigan. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Inaresto ng Police noong Linggo ang isang 38-anyos na Chinese national sa hinalang bodily harm sa isang 65-anyos na lalaki sa platform ng JR Kichijoji Station. Ang ulo ng biktima ay natamaan ng train at kasalukuyang walang malay dahil sa head fracture, iniulat ng Fuji TV.

Ayon sa pulisya, ang suspek na nagta-trabaho bilang isang chef, at ang biktima, isang company president, ay nagkaroon ng pagtatalo habang nasa loob ng train ng madaling araw ng linggo. Ang biktima ay nagreklamo umano sa suspect dahil masyadong malakas ang boses ng Chinese habang nakikipag-usap sa kanyang kaibigan.  Pagdating ng train sa Kichijoji Station bandang 12:35 am, ang dalawang lalaki ay patuloy na nag-away sa platform.

Image: photo stock

Sinabi ng pulisya na hinawakan umano ng suspek ang biktima sa kanyang kwelyo at itinulak paatras at ang kaniyang ulo ay tumama sa train habang papa-alis ang train.

Itinanggi naman ng suspect na tinulak niya ang biktima sa platform at sinabi din niya na hindi niya matandaan kung ano mismo ang nangyari dahil siya ay naka-inom.

Source: Japan Today
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund