Share
Inaresto ng pulisya ang isang 23-taong-gulang na lalaki sa hinalang pananakit sa kanyang walong buwang gulang na anak na lalaki sa pamamagitan ng pagbaril sa kanya gamit ang airsoft pellets.
Si Glenn Joevelle La Madrid na taga-Pilipinas, na naninirahan sa Toyooka, Hyogo Prefecture, ay nagdulot ng pasa at pamamaga sa mukha ng sanggol sa kanyang bahay noong nakaraang buwan.
Ayon sa pulisya, sinabi ng suspek na binaril nya ng mga pellets ang kanyang anak dahil patuloy itong umiiyak. Napansin ng asawa ng suspect ang mga pasa sa mukha ng sanggol nang siya ay dumating sa bahay, sinabi ng pulisya.
Source: Japan Today Image: Bank Image
Join the Conversation