Dahil sa patuloy aktibidad ng bulkang Mt. Kusatsu-Shirane sa Central Japan, itinaas ang antas ng alerto ng bulkan.
Ayon sa Japan Meteorological Agency, ang dalas ng pag-lindol ng bulkan sa bulubundukin ng Gunma Prefecture ay patuloy na tumataas. Mula 7 nuong Sabado ito ay tumaas at nag-tala ng 153 bandang alas-4 ng hapon ng Linggo.
Sinabi rin ng ahensya na nagkaroon ng kaunting pag-babago sa elevation ng lupa ng bundok mula nuong sabado hanggang linggo ng gabi.
Nag-taas ng alert level 2 para sa antas ng alerto sa posibleng pag-sabog ang ahensya base sa scale na 1 hanggang 5 nuong linggo. Pinangangambahan na mag-karoon ng epekto ang mga lugar na malapit sa ilog sa may bunganga ng bulkan.
Payo ng ahensya, maging maingat dahil sa posibleng pag-lipad ng mga bato na may layo nang 1 km. Maaari rin na mag- buga ang bulkan ng mga abo, maliliit na bato at gas na maaaring sumama sa hangin.
Ayon sa opisyal ng pamunuan ng Kusatsu, ” Ipinag-babawal na ang pag-punta sa apektadong lugar.”
Ipinasarado na rin ng pamunuan ng Prepektura ng Gunma ang 8.5 km ang highway na daanan ng mga turista. Ito ay konektado sa karatig lugar na Prepektura ng Nagano.
Source: NHK World Japan Image: ANN News
Join the Conversation