Hinuli ng mga pulis sa Kaohsiung City, Taiwan ang isang Japanese national dahil sa pag-dispalko ng malaking halagang pera mula sa isang Automotive Parts Supplier kung saan nag-tatrabaho ang suspek, ulat ng media mula sa Taiwan.
Nuong ika-20 ng Abril, isang malaking imbestigasyon ang isina-gawa ng Taiwan Police, sinabi nila sa isang Press Conference na sila ay nakipag-ugnayan sa Japanese Authorities nuong nahuli nila si Yoshimoto Nakazawa (45).
Base sa imbestigasyon ng mga pulis, dinispalko di umano ni Nakazawa ang mahigit 549.5 milyong yen mula sa Sankyo Seimitsu nuong Enero taong 2014. Natuklasan ng mga autoridad na ang nakulimbat na pera ay napunta sa pag-bili ng mga alahas at mga mamahaling kagamitan.
Nuong huling araw nang naka-raang linggo, nag-punta umano ang suspek na si Nakazawa sa National Immigration Agency upang mag-bayad dahil sa sobrang pag-tagal ng pag-tira sa nasabing lugar at upang maka-alis na ng bansa. Pina-niniwalaan ng mga pulis na ito ay ginawa ng suspek upang maka-takas at hindi mahuli ng mga autoridad.
Mula sa pahintulot na nakuha ng mga autoridad ng Taiwan sa Pamahalaan ng Japan gamit ang serbisyo ng International Criminal Police Organization, nahuli nila si Nakazawa. Nuong ini-imbestigahan ang tirahan ng suspek, nakita nila ang mga nabanggit na alahas at mga mamahaling kagamitan. Inaresto rin nila ang Taiwanese na dating asawa ni Nakazawa na sangkot rin sa kaso. Ang Taiwanese na ginang ay nag-eedad na 52 anyos.
-Pag-tatago sa Kaohsiung-
Nangyari ang krimen nuong taong 2014, ito ay matapos na hindi na mag-pakita sa trabaho si Nakazawa. Ayon sa mga pulis, mahigit 2.5 bilyong yen na ang halaga ng nadispalko ni Nakazawa mula pa nuong taong 2003. Ito ay base sa sunod-sunod na pag-iimbestiga ng pamunuan ng kompanya na pinag-tatrabahuhan ng suspek.
Natuklasan rin ng mga autoridad na umalis ng Japan patungong Taiwan si Nakazawa at ang kanyang misis. Nalaman naman ng lokal na kapulisan na sa Niasong District nag-tatago ang suspek.
Ayon sa mga pulis habang nag-tatago sa Kaohsiung ang suspek at ang kanyang asawa, bumili ito umano ng 3 mamahaling apartment at madalas makitang kumain sa mga mamahaling restaurant kasama ang kanyang may-bahay. Hiniwalayan ni Nakazawa ang kanyang misis upang mas maging kumplikado ang proseso ng imbestigasyon.
Maaaring sangkot din umano si Nakazawa at ang kanyang misis sa money laundering o pag-papa utang ng pera.
Source and Image: Tokyo Reporter
Join the Conversation