Isang ina sa Tokyo ang nagsampa ng reklamo sa kinauukulan dahil sa diskriminasyon

Diskriminasyon laganap kahit saang lugar sa Japan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Ang babaeng naka-talikod sa camera ay nag-file ng reklamo sa Setagaya Ward Office nuong ika-2 ng Abril, sa ilalim ng ordinansa laban sa diskriminasyon na nag-epekto nuong ika-1 ng Abril

Hindi pa umaabot ng 24 oras ang isang ordinansa na pumu-protekta sa mga lahi, etniko at sekswal na minorya laban sa diskriminasyon sa Setagaya Ward sa Tokyo nang may nag-sampa ng opisyal na unang reklamo laban sa isang mang-gagawa ng mismong tanggapan.

Ang nag-rereklamo nuong ika-2 ng Abril ay isang 65 anyos na ginang . Ang inirereklamo niya ay ang naranasang diskriminasyon ng kanyang anak na babae dahil ito umano ay anak sa pagka-dalaga ng kanyang ina.

Sa ilalim ng ordinansa na naging epektibo nuong ika-1 ng Abril, ang reklamong inihain ng isang miyembro ng publiko ay tatalakayin kung kina-kailangan ng isang komite na binubuo ng 3 eksperto sa karaingan  ng diskriminasyon.

Ang ginang ay isang residente sa Shibuya Ward, nag-bigay umano ng mga kumentong nakaka-discriminate ang isang opisyales nuong bumisita ang kanyang 30 taong gulang na anak na babae sa isang sangay ng nasabing tanggapan nuong Nobyembre ng taong 2016. Ang anak ng ginang ay nag-hahanda para sa kanyang kasal at mayroon siyang nais baguhin sa rehistro ng kanilang pamilya.

Sinabi umano ng opisyales na “Hindi maaaring maging head of the family ang iyong ina.”

Ang nasabing anak ng ginang ay naka-rehistrong mamamayan ng Setagaya Ward at kailan man ay hindi kinilalang anak ng kanyang tunay na ama, kung kaya’t ang pangalan ng ama sa kanilang rehistro ay nananatiling blangko.

Nag-reklamo ang anak ng ginang ukol sa pamimilit umano ng opisyales na ilagay ang pangalan ng ama ng babae.

Sinabi umano ng opisyales na “Isulat mo ang pangalan ng iyong ama. Dapat na naka-lagay sa inyong rehistro ang pangalan ng iyong ama kahit na sila ay hiwalay na ng iyong ina.”

Ang mga mang-gagawa sa Setagaya Ward Office at mga sangay nito ay kinikilanlan ang mga taong nais mag-apply ng amendments para sa kanilang family register at sinasabing sulatan ang mga application form ng hindi man lang tinitignan ang aktwal na dokumentong nais i-request.

Lumapit ang anak ng ginang sa isang civic group na lumalaban sa mga na aapi o nade-discriminate na mga batang ipinanganak sa pagka-dalaga ng kani-kanilang mga ina. Nag-request din umano ang babae nuong Enero taong 2017 at ng sumunod pang mga buwan na pag-butihin ang pamamalakad sa tanggapan o seksyon ng mga Family Register. Ngunit ang mga request na ito ay binale wala  lamang.

Naka-saad sa sulat na ginawa ng babae na “ Dapat tignan ang naka-saad sa dokumentong nais baguhin, bago pa mag- tanong o mag-kumpirma.”

Ipinangako ng nasabing tanggapan na “Ito ay kanilang iimbestigahan at harapin ang kaso ng naaayon.”

Source: Asahi News
Image: Asahi News, Bank Image
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund