Sa Saitama, isang 86 taong gulang na babae ang binawian ng buhay matapos mabangga ng 2 kotse sa Kasukabe, Saitama Prefecture nuong Martes ng gabi.
Ang isa sa mga naka-bangga ay huminto at inaresto dahil sa hinalang hindi pag-iingat sa pag-mamaneho na humantong sa pagka-matay ng matandang babae. Ngunit ang isang koste ay hindi huminto at patuloy na umandar papalayo, ayon sa ulat ng Fuji TV.
Base sa mga pulis, ang insidente ay nangyari nuong bandang alas-9:20 ng gabi. Ang biktima na si Sueko Suzuki ay tumatawin sa two-way street nang siya ay mabundol ng kotse ni Masaki Mizuochi. Ang biktima ay tumilapon sa kabilang kalsada at nabundol na isang paparating na kotse, ngunit ito ay hindi huminto at patuloy na umandar papalayo.
Agad na isinugod sa pagamutan ang matandang babae ngunit idineklarang wala ng buhay.
Tinitignan na ng mga pulis ang mga surveillance camera sa nasabing kalsada upang matukoy ang ikalawang sasakyan na naka-takas.
Maulan at walang tawiran sa lugar kung saan na aksidente ang matanda.
Source: Japan Today Image: Bank Image
Join the Conversation