Ipinakita bago mag premiere ang bagong parade ng Tokyo Disneyland

Inilungsad ang bagong parade ng Tokyo Disneyland's upang ipagdiwang ang ika-35 na anibersaryo ng theme park.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang bagong parade ng Tokyo Disneyland para sa pagdiriwang ng ika-35 anibersaryo ng theme park ay inilunsad sa press noong Martes kasama ang Mickey Mouse at ang kanyang mga kaibigan sa Disney na sumasayaw sa napakalaking float.

Ang parade na “Dreaming Up!” ay magpe-premiere sa Linggo. Ito ang kauna-unahang pag-renew ng day parade ng Tokyo Disneyland sa loob ng limang taon.

&nbspIpinakita bago mag premiere ang bagong parade ng Tokyo Disneyland
Ang Baymax, isang pangunahing karakter mula sa sikat na pelikula ng Disney na “Big Hero 6,” ay nagpakita sa unang pagkakataon sa amusement park (Kyodo)

Ito ay bahagi ng espesyal na anibersaryo ng Tokyo Disneyland na “Tokyo Disney Resort 35th ‘Happiest Celebration!’,” Na tatakbo sa Marso 25 sa susunod na taon. Ang popular na atraksyon ng parke na “It’s a Small World” ay muling bubuksan sa Linggo.

Ang “Dreaming up!” parade ay may kabuuang 13 na mga floats na pinangungunahan nina Mickey Mouse at Pluto sa isang sasakyan na nagtatampok ng isang may pakpak na kabayo, habang si Minnie Mouse naman ay paparada kasama nina Cinderella at Snow White.

Si Baymax, isang pangunahing karakter mula sa sikat na pelikula ng Disney na “Big Hero 6,” ay nagpakita sa unang pagkakataon sa amusement park at sasama sa parada kasama ang kanyang matalik na kaibigan na si Hiro na nakasakay sa kanyang likod.

Source: Kyodo
Image: Kyodo, Bank Image
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund