Ang IBF minimumweight champion na si Hiroto Kyoguchi ay haharap kay Vince Paras ng Pilipinas sa kanyang pangalawang title defense, sinabi ng Watanabe gym noong Lunes.
Si Kyoguchi ay lalaban kay Paras, na nasa ika-15 sa mas mabigat na IBF light flyweight category, sa Mayo 20 sa Ota Gymnasium ng Tokyo.
“Pareho kaming dalawa na baguhan at umaangat at hanggang ngayon ay wala pa kaming talo, ngunit tiwala ako na mas malakas ako,” sinabi ng 24-taong-gulang na si Kyoguchi sa isang news conference sa kanyang gym sa Tokyo. “Bilang kampeon, nais kong gawin lahat ang makakaya ko para sa event na ito.”
Kapwa unfeated, si Kyoguchi ay may nine wins, kasama na ang seven by knockout, habang ang challenger naman na si Paras ay may 11 knockouts sa kanyang 13 career wins at tinaguriang “ang batang Manny Pacquiao”.
Natalo ni Kyoguchi si Jose Argumedo ng Mexico noong Hulyo at tinaguriang pinakamabilis na manlalaban ng Japan na manalo ng unang world title matapos maging propesyonal, isang rekord ng 1 taon, 3 buwan pagkatapos na ibigay ang kanyang amateur status. Ang sumunod ay ipagtanggol niya ang kanyang titulo noong Disyembre sa kanyang kalaban na si Nicaraguan Carlos Buitrago sa pamamagitan ng technical knockout.
Ilalagay ni Ryoichi Taguchi ang kanyang IBF at WBA light flyweight titles sa linya laban sa South African Hekkie Budler sa parehong card.
Source: Sports Hochi
Join the Conversation