Humingi ng patawad ang hospital sa pagkakapalit ng mga sanggol 5 dekada ng nakalilipas

Hinala ng ospital sa Tokyo na malamang na ang dalawang sanggol ay naibigay sa maling mga ina.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Sinabi ng Juntendo University Hospital ng Tokyo na malamang na ang dalawang sanggol ay nagkapalit at naibigay sa maling ina 50 taon na ang nakakaraan.

Ang mga opisyal ng ospital ay nag-anunsyo ng kanilang pagdiskubre noong Abril 6 pagkatapos na magpakunsulta sa hospital ang mag-ina na nagpakita ng resulta ng isang test sa DNA na walang biological link sa pagitan ng dalawa

Ang operator ng ospital ay nag-post ng isang ulat tungkol sa isyu na ito pagkatapos ng isang lingguhang magazine ay nagsulat ng isang artikulo tungkol sa pagkakapalit.

&nbspHumingi ng patawad ang hospital sa pagkakapalit ng mga sanggol 5 dekada ng nakalilipas
(illustrative image)

Ang nakagawian ng ospital noong mga panahong iyon ay lagyan agad ng pangalan ng ina sa talampakan ng paa ng sanggol pagkatapos na mabigyan ang bagong panganak na sanggol ng pinaka-una niyang paligo.

Gayunpaman, inamin ng mga opisyal ng ospital na malakas ang posibilidad na maling pangalan ang naisulat ng mga paahon na iyon.

Sila ay humingi ng paumanhin sa mga taong involve.

Sinabi ng mga opisyal ng ospital na sinuri nila isa isa ang mga kasamahan ng pasyente noong upang matukoy ang kabilang partido sa pamamagitan ng medical records, ngunit hindi na ipinaalam sa pamilya dahil sa haba ng panahon na lumipas.

Source: Asahi
Image: Bank Image
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund