Hiroshima: Ang Lungsod ng Pitong Ilog

Pag-lalakbay at Turismo sa Hiroshima, ating alamin

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Hiroshima Prefecture

Ang Prepektura ng Hiroshima sa Kanluran ng Japan ay nasa baybayin ng Inland Sea. Ito ay kilala bilang Lungsod ng Pitong Ilog, saan ka man mag-punta palagi kang may makikitang ilog.  Ang lungsod ay naka-upo sa delta na nabuo sa pamamagitan ng deposito na inaagos patungo sa karagatan.

105 Bridges on Seven Rivers

Ang naka-tutuwang katangian ng Lungsod ng Pitong Ilog ay ang malalaking bilang ng mga tulay. May kabuuang 105 na tulay mayroon ang nasabing lungsod. Ilan rito ay ang Tenma Bridge na tumatawid sa Tenma River, ito ay bukas lamang para sa mga Tram at mga pedestrian. Maraming ganitong klase ng tulay nuong panahon, ngunit ito na lamang ang natitira. Ang Kyobashi ay isa sa pinaka-lumang tulay sa nasabing lugar. Nuong panahon ng Samurai ang tulay na ito ang nag-sisilbing daanan na nag-kokonekta sa Hiroshima at Kyoto. Ang Kohei Bridge naman ay ang nag-iisang suspension bridge ng naturang lungsod, ito ay itinayo ng sundalo ng Japan 120 taon na ang naka-lilipas. Marahil mayroong kahanga-hangang pang-yayari ang nag-hihintay sa ilog.

Water Taxi

Sa panahon ng tagsibol, ang tabing ilog ay napupuno ng magaganda at makukuklay na bulaklak. Ang ilang mga lugar dito ay sadyang kahanga-hanga. Ang isla sa gitna ng ilog ay paraiso at tirahan ng mga ibong Heron. Sa ilog ng Hiroshima, mas madalas na gamitin ang pag-biyahe gamit ang mga Water Taxi kaysa sa bumiyahe gamit ang kotse. Mayroong mahigit na 400 na pantalan o daungan sa tabi ng ilog. Maliban sa pag-sakay sa mga turista, ito rin ay ginagamit ng mga lokal na mamamayan sa pag-pasok sa trabaho at paaralan. Ang pag-sakay sa Water Taxi ay isang mahusay na paraan upang matuklasan ang kakaibang ganda ng lungsod.

Local Taste: Japanese Anchovy

Ang Hiroshima ay sikat sa mga talaba (oysters), dahil ito ay pinunan ng nutrisyon mula sa dumadaloy na tubig ng ilog. Mahigit 4 na dekada na ang pangangalakal ng talaba sa Hiroshima. Isa pang papular na lokal na pagkain sa lungsod ay ang sashimi na gawa sa Japanese Anchovy. 30 taon ang naka-raraan, ang mga Japanese Anchovy ay hinahango sa pampang ng Enko River, kung saan Pinuno ng mga nag-titinda ang mga kalye upang mag-benta ng mga isda mula bukang liwayway hanggang sa pag-lubog ng araw. Ang ilan sa mga ito ay pinaniniwalaang gumanda ang kapalaran. Ang nasabing klase ng isda ay murang-mura at paborito ng mga lokal na mamamayan ng lungsod.

Source and Image: NHK World
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund