Hinihikayat ng health officials ng Japan ang mga tao upang magpa-bakuna laban sa tigdas, ito ay dahil sa pag-aalala matapos ang isang outbreak sa timog-kanlurang prefecture ng okinawa at maaari pa itong kumalat sa ibang bahagi ng bansa. ang labis na nakakahawang sakit ay nagdudulot ng mataas na lagnat, rashes at maaaring magdulot ng miscarriages o pagkalaglag ng sanggol sa sinapupunan. ito ay maaaring maging delikado para sa mga sanggol at toddlers. ang outbreak sa okinawa ay nagsimula muka sa isang turista na nag-positibo ang resulta sa sakit. May higit 50 na mga kaso ang nakumpirma hanggang ngayon.
Isang lalaki sa Aichi Prefecture, Central Japan, ang nag positibo din pagkatapos na maglakbay sa okinawa, sanhi ng paglaki ng pagkabahala na kumalat pa ito sa mas malawak na lugar.
Sabi ng National Institute of Infectious Disease na ang mga tao na nabakunahan ng dalawang beses ay tiyak na hindi tatablan ng tigdas. sa kasalukuyan, ang mga Hapon na nasa 28 pababa ay nabakunahan ng dalawang beses.
Ang numero ng pasyenteng may tigdas sa taong 2000 ay tinatayang nasa 200,000 hanggang 300,000. Ngunit nabawasan ito at bumaba ng hanggang 189 ng nakaraang taon. lahat ng may tigdas na mga kaso na nakumpirma noong 2012 ay mula sa iba mga bansa.
Source and image: NHK
Join the Conversation