Hari ng Sweden at Emperor Akihito, ipinag-diwang ang ika-150 taon na pagkaka-roon ng diplomasya ng 2 bansa

Ika-150 taon ng pagkaka-roon ng diplomasya ng Japan at Sweden, ipinag-diwang sa Tokyo

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspHari ng Sweden at Emperor Akihito, ipinag-diwang ang ika-150 taon na pagkaka-roon ng diplomasya ng 2 bansa
Hari at Reyna ng Sweden kasama ang Emperor at Empress ng Japan

Ang hari ng Sweden na si King Carl XVI Gustaf at emperor ng Japan na si Emperor Akihito ay dumalo sa isang espesyal na exhibit tungkol sa Swedish Natural Science sa Tokyo nuong lunes, upang markahan ang ika-150 taon na pagkaka-roon ng diplomasya bg 2 bansa.

Ang hari at reyna Silvia ay sinamahan sina Emperor Akihito at Empress Michiko sa exhibition na nagpapa-kilala sa 3 scientists nuong 18th century na nag-bigay impluwensiya sa bansang Japan at si Carl Linnaeus, isang scuentist na nag-sagawa ng batayan ng isang sistimatikong pang-agham na pag-uuri.

Si Emperor Akihito ay isang marine biologist na nag-specialize sa mga gobies, ay ginawaran ng honorary degree nuong 2007, para sa kanyang pananaliksik mula sa unibersidad kubg saan nag-aral si Linneus.

Ayon sa NHK Television ng Japan, si Emperor Akihito ay masyadong natutok sa orihinal na libro na nilikha ni Linneus kung kaya’t sila ay nanatili sa exhibition nang mas matagal kaysa sa itinalagang oras. Ipinakita sa telebisyon na kuha ng isang istasyon si Emperor Akihito na seryosong naka-tingin sa libro mula sa isang glass showcase, habang nakatayo sa kanyang tabi ang naka ngiting si Empress Michiko.

Ang Swedish royals ay dumalo rin sa isang pag-sasalo na pinamunuan ni Emperor Akihito. Kumain rin sila ng tanghalian kasama ang panganay na anak ng Emperor na si Crown Prince Naruhito.

Ang hari at reyna ay makikipag-kita rin kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe, may ilang events at isang business seminar na dadaluhan ang mga pangunahing bisita bago umalis ng Tokyo sa darating na huwebes.

Naka-takdang bumaba ng pamumuno si Emperor Akihito sa katapusan ng Abril taong 2019, ito ay matapos ang 30 taon ng pamumuno sa bansa. Ang panganay na anak na si Prinsipe Naruhito ang hinirang na susunod na uupo sa Chrysanthemum Throne at mamuno sa bansang Japan matapos bumaba ng pwesto ang kanyang ama.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund