Gunma: Pinaghahanap ng pulisya ang suspect sa pananakit ng isang Peruvian

Ang biktima, na nasa kanyang 40s ay duguan mula sa isang sugat sa ulo sa harap ng kanyang tirahan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Pinaghahanap ng Gunma Prefecture Police ang suspect sa pananakit sa isang lalaki Peruvian national sa bayan ng Oizumi noong Martes, ulat ng TV Asahi

Bandang alas 4:00 ng hapon, ayon sa nakasaksi sa insidente na nag-alerto sa police, “may isang dayuhan na inatake ang isa pang dayuhan gamit ang martilyo.” Dumating ang mga opisyal sa pinangyarihan at natagpuan ang biktima, na nasa kanyang 40s ay duguan mula sa isang sugat sa ulo sa harap ng kanyang tirahan.

Ang biktima ay may malay habang siya ay inihatid sa isang ospital.

Ang biktima, na nasa kanyang 40s ay duguan mula sa isang sugat sa ulo sa harap ng kanyang tirahan. (Asahi news)

Matapos ang insidente, tumakas ang suspect daladal ang martilyong ginamit na pinaniniwalaan na isa din kapwa Peruvian, na may edad na 30 taong gulang. Nag-issue ang Police ng isang babala sa mga lokal na residente.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay pinaniniwalaan na pamilyar sa suspect. Ang suspect and may kalakihan ang katawan at nasa 160 sentimetro ang tangkad, at naka-suot ng itim nung panahon ng insidente.

Pinaghahanap na ng police ang kanyang kinaroroonan para masampahan ng attemted murder.

Source: Asahi News
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund