Ayon sa pulisya ng Aichi Prefecture isang babae ang iniulat na tumitingin sa isang laro ng Pokemon Go sa kanyang smartphone nang makabunggo ang kanyang sasakyan ng isang pedestrian.
Sinabi ng pulisya na ang driver ay nabangga at napatay ang isang 85-taong-gulang na babae na tumatawid sa isang kalsada sa Nishio City noong Sabado.
Sinusuri nila ang 43-taong-gulang na nagmamaneho sa kusang-loob na batayan ng reckless driving na nagresulta sa kamatayan.
Inalis umano ng driver ang kanyang mga tingin sa daanan dahil tinitignan niya ang kanyang Pokemon Go records.
Noong 2016, nagdagdag ang developer ng Pokemon Go ng isang safety features matapos ang isang serye ng mga aksidente na kinasasangkutan ng mga driver na naglalaro.
Ang function para sa pagkolekta ng virtual characters ay itinigil kapag ang mga players umaandsr ng mabilis, pero maaari pa din silang makapag-check ng kanilang records.
Source: NHK Image: Bank Image
Join the Conversation