Nag-dedevelope ng mga robot na marunong mag-hinang, mag-bolt at nag-bubuhat upang maging sagot sa kakulangan ng mga mang-gagawa sa mga Japanese construction sites, kahit na limitado lamang ang pag-gamit sa mga ito. Sa gabi lamang gagamitin ang mga ito dahil ito ang oras na kalimitang kulang ang mang-gagawa dahil na rin sa kaligtasan at mga alalahanin sa regulasyon.
Ang Shimizu Corporation, isa sa malaking pangalan sa Japanese construction ay nagpa-kita ng ilan sa kanilang mga robot nuong Lunes, isa dito ay isang robot na may kakayahang bumuhat ng mga tabla at ilagay sa elevator.
Ayon sa kompanya, itatalaga na sa ilang construction site ang Robo-Welder at Robo-Buddy na may kakayahang mag-twist and turn ng kanilang mechanical arms bago matapos ang taong ito.
Lumalaganap ang sektor ng mga construction sa Japan ngunit sila rin ay nagkaka-problema sa kakulangan ng kanilang mga mang-gagawa. Ang problemang ito ay kina-haharap rin ng ibang pang mga bansa tulad ng Estados Unidos.
Base sa demonstrasyon ng mga robot sa Shimizu test facility sa Tokyo ipina-kikita nito na malaki ang ibina-bawas sa bilang ng mga gawain ng mga mang-gagawa, mahigit 3 hanggang 4 na porsyento mula sa kung ano ang pangangailangan sa panahon ngayon.
Ayon kay Masahiro Indo,namamahala sa tumitingin sa mga teknolohiya pang konstruksyon at managing executive officer ng Shimizu Corporation, “Ang trabaho sa constrauction ay iba-iba, kumplikado at malawak na ang mga robot ay may kakayahang lamang hawakan ang 1 porsyento ng pang-kalahatang-trabaho sa construction.
Ani rin ng nasabing opisyal, “ Isang malaking challenge kung ito ay mapapa-taas pa ng mahigit 10 porsyento, ngunit ito rin ay may kamahalan.”
Kalimitan gina-gamit ang mga robot sa mga planta ng sasakyan, ito ay mga naka-steady sa isang station at gumagawa ng iisang trabaho ng pa-ulit-ulit na kalimitan ay sa isang sterile at enclose na kapaligiran.
Ang mga robot na gagamitin sa mga construction sites ay kailangang gumalaw sa kanilang kapaligiran. Ang kanilang mga gawain ay maaaring paulit-ulit man, ang mga ito ay hindi naka-pirmi sa iisang lugar, ito ay kinakailangang gumalaw sa iba’t-ibang lugar sa itinatayong building at maaaring kumaharap ng mga hindi pantay na mga daanan.
Sabi ng kumpanyang Shimizu, ang mga robot na gagamitin pang-construction ay ginagawan ng artificial intellegence system, gamit ang mga robot na gawa ng Kuka Robotics ng Germany.
Kung ito ay matagumpay na maisasa-gawa, maaaring maka-tulong ang mga robot na mabawasan ang mga panganib sa kaligtasan at mahabang oras na pag-tatrabaho ng mga mang-gagawa sa construction.
Ipina-kita ng Shimizu na sa isang tipikal na trabaho sa construction, ang isang mang-gagawa ay dapat gumamit ng isang kamay at ang kanyang ulo na may helmet upang hawakan ang isang tabla at hahawakan ang mga bolts gamit ang bibig habang ang isang kamay ay gumagamit ng isang de-makinang pang-bolt at inilalagay ang tabla sa tamang lugar.
Ginawa ng Robo-Buddy ang nasabing gawain ng napaka-dali. Gumamit ito ng suction cups upang buhatin ang mga tablang kahoy at sensors upang mailagay iton sa tamang kinalalagyan habang ang mechanical arm nito ay umiikot upang lagyan ng bolt ang tabla habang gumagalaw-galaw.
Malaki ang pakinabang ng pag-gamit ng robot sa isang urban construction, kung saan sila ay gumagawa ng mga matataas na gusali at paulit-ulit lamang ang trabaho sa bawat palapag.
Sabi ni Indo, “Habang lumilipas ang panahon, bumababa ang birth rate dito sa bansang Japan, ganun din ang bilang na mga mang-gagawa sa mga trabahuhan. May mga edad ang kalimitang makikitang mang-gagawa sa mga construction at nahihirapan umano maka-hikayat ng mga batang mang-gagawa ang mga contractors.”
Mayroong mahigit 3.4 billion na mang-gagawa sa construction sa Japan nuong taong 2014. Inaasahang ito ay bumaba ng mahigit 2.2 million sa darating na 2025, ani ng Shimizu Corporation.
Karamihan sa ginagawang mga robot ay para sa entertainment at companion robot, tulad na lamang ng robot sa Softbank Corporation na si Pepper at Kiribo Mini ng Toyota Motors Corporation. Ngunit ginawang prayoridad ng mga opisyales na ito ay magamit pa sa ibang mga paraan.
Gumagawa rin umano ng robot na maaaring gamitin sa construction ang kumpanya ng Toyota tulad ng mukhang tao na robot na T-HR3 at scooting human-support robot.
Sa Estados Unidos, naka-gawa ang Construction Robotic ng isang bricklaying robot.
Ang kumpanya ng Shimizu ay mayroong ilang proyekto sa ibang bansa, minamatahan din nila ang pag-export ng kanilang mga robot, ngunit ito ay hindi pa napag-dedesisyonan.
Source & Image: Japan Today
Join the Conversation