Ang bronze statue ng isang nakapiring na 1900’s na Pilipinong babae ay inalis mula sa Roxas Boulevard sa Maynila, ang mga manggagawa ay nag-iwan lamang ng mga natirang debris na pinalibutan ng mga makeshift barriers.
Mga dalawang linggo na nakalipas, nakita ang isang sasakyan ng Department of Public Works at Highways na naka-park sa tabi ng memorial, na siyang nagsimula ng haka-haka na ito ay ide-demolish.
Ang lokal na women’s rights organization Gabriela at cultural group Kaisa Para sa Kaunlaran (Unity for Progress) noong Miyerkules ay ipinahayag ang kanilang pagsalungat sa pagtanggal nito, ang parehong grupo ay nanumpa na susulat sa gobyerno tungkol sa bagay na ito.
Ang terminong comfort woman ay isang euphemism na ginamit upang tumukoy sa mga kababaihang napilitang magtrabaho sa mga brothels na nakatakda sa mga sundalo ng Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang mga manggagawa sa gobyerno na ininterbyu ng Kyodo News sa lugar noong Sabado ng umaga ay sinabi na ang pag-alis ng statwa ay isinagawa upang malagyan ng mga tubo sa ilalim ng lupa.
Ayon sa Embahada ng Hapon sa Maynila, ipinabatid ng gobyerno ng Pilipinas sa embahada ang intensyon nito na tanggalin ang rebulto na itinayo noong Disyembre. Ang embahada ay nagpahayag ng mga alalahanin sa rebulto.
Source: Japan Today, AFP
Join the Conversation