Sa Osaka, isang pampublikong event sa paligid ng Japan mint, kung saan mapag-tatanto ng mga bisita na hindi nag-bubunga ng pera ang mga puno. Ngunit ito ay nag-bubunga ng mga Cherry Blossoms.
Sa hilagang parte ng Osaka, binubuksan ang mga saradong daanan sa publikong upang idaos ang taunang Spring event na pag-tingin sa mga namumukadkad na bulaklak na puno ng mga Cherry Blossoms. Ito ay mag-sisimula sa ika-11 ng Abril.
Nag-karoon ng special preview kanina, ika-10 ng Abril bago tuluyang buksan ang mga nasabing kalsada sa publiko.
Ang mga Senior citizen at mga taong may disabilities ay nasayahan sa katitingin ng makukulay na bulaklak ng mahigit sa 350 na puno na mayroong mahigit 130 iba’t-ibang klase ng puno ng Sakura, kasama dito ang Cerasus Serrulata “Ojochin” na may malaki at bilugan na klase ng bulaklak na naka-laylay sa mga puno.
Ayon sa Japan Mint, ang pinaka-inaabangan ay ang late-blooming na Yaezura Cherry Trees na nasa rurok na ng kanilang pamumukadkad.
Ang nasabing kalsada ay bukas sa publiko hanggang ika-17 ng Abril mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi. At kung weekends, ito ay mag-bubukas ng alas-9:00 ng umaga. Ang mga bibisita sa lugar ay maaari lamang maka-pasok mula sa South Gate at maka-lalabas lamang sa North Gate.
Source: Asahi News Image: Flickr
Join the Conversation