Sa magkaka-sunod na 5 gabi, paiilawan ang 1000 taong gulang na Hoo-do o Phoenix Hall sa Byodoin Temple sa Kyoto, Prefecture. Isa ito sa mga naka-lista sa World Heritage. Paiilawan ang mga puno ng Sakura para sa publiko.
Ang night viewing ay mag-sisimula sa ika-5 ng Abril hanggang ika-9 ng Abril. Nagkaroon din ng media preview nito nuong ika-4 ng Abril.
Habang ang mga puno ng Somei- Yoshino Cherry sa Buddist Temple ay naka-lipas na ang rurok ng pamumulaklak, ang puno ng Weeping Cherry ay ganap naman sa pamumukadkad ng bulaklak.
Ang templo ay mag-bubukas para sa night viewing mula alas-6:30 hanggang alas-8:45 ng gabi. Admission fee para sa matanda ay ¥600 ($5.65), ¥400 para sa mga mag-aaral sa Junior High School at ¥300 para sa mag-aaral sa Elementarya.
Source and image: Asahi News
Join the Conversation