Aichi Prefecture gagawa ng Studio Ghibli Theme Park

Ghibli Theme Park, bubuksan sa 2022

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Sinabi ng pamahalaan pang rehiyonal nuong Martes na gagawain nilang Theme Park angFantasy World ng Oscar-winning animator na si Hayao Miyazaki sa Central Japan sa darating na taong 2022.

Si Miyazaki ay co-founder ng Studio Ghibli, isang premier animation studio at kilala sa buong mundo sa kanilang mga ginawa na “Princess Mononoke” at “Spirited Away”.

Nag-labas na umano ng pangunahing konsepto para sa malaking park na itinakdang itayo sa Nagoya sa darating na taong 2022.

Ghibli Museum, Mitaka

Ayon sa pamunuan ng Aichi Prefecture ang nasabing pasyalan ay mayroong rides at forest trails base sa mga papular na fanatsy films na ginawa ng master animator. Ilan sa mga ito ay “My neighbor Totoro”, “Kiki’s Delivery Service” at “Howl’s Moving Castle”.

Mag-lalagay rin ng European-themed brick towers na madalas makita sa mga obra ni Miyazaki, kasama dito ang mga higanteng gusali ng mga gagamba at boar-shaped spirit mula sa mga haka-hakang landscapes na nag-bunga ng mga gawa-gawang mistiko at idyllic ng Japan.

Sinabi ng lokal na pamahalaan, ang parke ay itatayo sa Expo 2005 Aichi Commemorative Park sa Nakagute City.

Sinabi rin ng mga opisyales ng Aichi Prefecture sa AFP na hindi pa napag-dedesisyonan ang halagang kakailanganin sa pag-papatayo nito at iba pang mga detalye.

Isa si Miyazaki na kilala sa buong mundo pag-dating sa usaping animations, marami rin siyang tag-sunod sa loob ng Japan at maging sa ibang bansa.

Ang “Spirited Away” ay nanalo ng Best Animated Feature sa Oscar nuong taong 2003, ito rin ang kauna-unahang Japanese film na naka-tanggap ng parangal. Nakuha rin nito umano ang Golden Bear Prize sa Berlin International Film Festival.

Isa sa mga mina-manage ng Ghibli Studio ay ang napaka-papular na Ghibli Museum sa Tokyo.

Ang ticket sa museo ay inilalabas o ibine-benta lamang tuwing umpisa ng buwan, at ito ay agad na naso-sold out matapos ang ilang oras.

Source: Japan Today
Image: Google
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund