AFP at PNP pinag-sanib pwersa ng Pangulong Duterte upang masigurado ang seguridad sa darating na eleksyon ngayong ika-14 ng Mayo

Barangay at SK election, May 14, 2018

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na makipag-tulungan sa Commission on Election, upang mapanatiling maayos at mapayapa ang isasagawang eleksyon para sa Barangay at Sangguniang Kabataan ngayong darating na ika-14 ng Mayo.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Memorandum Order 21 para sa deputization ng AFP at PNP sa COMELEC resolution 10207 para masiguro na magiging maayos, malaya, mapayapa at credible ang isasagawang eleksyon.

&nbspAFP at PNP pinag-sanib pwersa ng Pangulong Duterte upang masigurado ang seguridad sa darating na eleksyon ngayong ika-14 ng Mayo
(illustrative image)

Naka-saad sa memorandum ng punong ehekutibo, “Ang Law Enforcement Agency at iba pang mga kina-uukulang ahensya ay inatasang makipag-tulungan sa COMELEC sa pag-sasagawa ng kanilang tungkulin.”

Isasagawa ang barangay at SK election sa darating na May 14 na orihinal na naka-takda nuong Oktubre 2016, subalit ito ay ipinag-paliban ng kongreso nuong Oktubre 2017 hanggang nai-usad ng Mayo 14 nagyong taon.

Ito ay tinangkang muli ipag-paliban ng kamara, subalit ito ay sinalungatan ng senado. Maging ang Pangulo ay hindi na pinayagang muling ipag-paliban ang nasabing eleksyon.

Source: Philippine Star (Pilipino Star Ngayon)
Image: Bank Image
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund