Share
Sinabi ng mga investigative sources na may natagpuang 250 kilo ng mga illegal stimulant drugs sa isang cargo ship na dumating sa Port of Tokyo mula sa Hong Kong noong Enero.
Ayon sa source, ang mga illegal stimulant drugs ay natagpuang nakatago sa mga industrial machinery.
Inaresto ng pulisya ang 4 na Brazilians kaugnay sa kaso at pinaghihinalaan na may kinalaman ang isang international organized crime.
Noong 2016, nakuha ng mga awtoridad ng Japan ang isang record high na nasa 1,500 kilo ng mga iligal na stimulant na ipinuslit mula sa ibang bansa. Ang naka-record ng nakaraang taon ay lumagpas din sa 1,000 kilo.
Source: NHK Image: YouTube
Join the Conversation