Matapos matanggal sa trabaho ang Pilipino, nagpunta ang tagapamahala ng dormitoryo upang linisan ang silid, kung saan natagpuan niya ang 10 mga armas at daan-daang bala.
Natuklasan ang kaso dahil ang isang tagapamahala ay nagpunta sa dormitoryo upang linisin ang silid na inookupahan ng isang Pilipino na natagpuang may mga baril at bala noong ika-10 ng buwan na ito.
Ayon sa Metropolitan Police Department, ang Pilipino ay nagtrabaho sa isang kumpanya ng konstruksiyon at nanirahan sa dormitoryo sa Fuchu (Tokyo). Pagkatapos na siya ay matanggal sa trabaho at pinaalis, isinagawa ang paglilinis ng silid na inookupahan niya, at doon natagpuan ang 10 mga armas at mahigit sa 200 na mga bala sa loob ng isang maleta bandang alas-12:10 ng hapon. Tinawag ng tagapamahala ang pulis at ipinaalam ang nilalaman ng kuwarto.
Sa paghahanap, pinalibutan ng pulis ang site at pansamantalang pinatigil ang trapiko nang halos kalahating oras, kabilang na ang Chuo Expressway. Ang mga kapitbahay sa dormitoryo ay inilikas dahil kinailangan nilang suriin ang buong lugar kung may bomba dahil may nakitang cylinder na kasama sa mga gamit, napag alaman naman na hindi ito explosive.
Walang nakaka-alam sa kanyang kinaroroonan, ngunit ang 29-taong-gulang na lalaking Pilipino ay sumurender sa istasyon ng pulisya noong Biyernes (13), bandang 1:30 ng hapon.
Siya ngayon ay ini-interrogate ng pulis at mahaharap sa kasong paglabag sa gun control law.
Sources: FNN, Mainichi e Asahi Image: Bank Image
Join the Conversation