Isang 19-taong-gulang na babae ang biglang inaatake ng lalaki gamit ang isang martilyo sa isang busy na intersection malapit sa isang istasyon ng tren sa Kosaka, Higashi-Osaka City, noong Lunes.
Ayon sa pulisya, naganap ang insidente sa paligid ng 2 p.m. Sinabi ng Fuji TV na nakatanggap ang pulisya ng isang tawag na nag-aalerto sa kanila na may isang lalaki na nagpukpok sa isang babae sa ulo na gamit ang isang martilyo at ang babae ay duguan mula sa kanyang ulo.
Sinabi ng pulisya na naghihintay ang biktima na maging berde ang stoplight sa intersection malapit sa Kawachi-Kosaka Station sa Nara Line ng Kintetsu Railway, nang biglang siyang pinukpok ng lalaki gamit ang martilyo. Siya ay dinala sa ospital at hindi naman life threatening ang kanyang natamong sugat.
Ang suspect ay pinigilan ng mga nakakitang mga pedestrian at hinawakan siya hanggat makarating ang mga pulisya. Tila wala sa tamang katinuan ang lalaki at nagsasalita ng mag-isa. Inamin naman ng suspect ang krimen nung siya ay inaresto. Sinabi niya na pinukpok niya ang babae pero hindi niya alam kung bakit.
Source: Japan Today Image: Wikimedia
Join the Conversation