Ito ay isang hindi pangkaraniwang relasyon ng isang lalaki at babae na nag-iwan ng anak na 1 taong gulang sa loob ng kotse.
「Makailang beses ko nang iniwan ang mga bata sa loob ng sasakayan, kung kaya’t hindi ko naisip na may masamang mangyayari sa kanila」ayon sa lalaki nasasakdal.
Iniwan ng nasasakdal na lalaki ang 1taong gulang na batang lalaki at 3 taong gulang na batang babae sa loob ng kotse ng mahigit 10 at kalahating oras, upang pumasok sa loob ng isang love hotel kasama ang isang babae na napag-alamang ina ng mga bata. Namatay ang 1 taong gulang na bata dahil sa dehydration, gutom at heatstroke. Sa kabila ng pag-panaw ng anak na lalaki, patuloy pa ring nag sama ang magkasintahan. Itinago nila sa isang cooler box ang walang buhay na katawan ng bata at inilagay sa compartment ng kanilang sasakyan.
Hinuli ng Osaka Police District ang ina ng mga bata (24 taong gulang) at ang kinakasama nitong lalaki (23 taong gulang) sa kasong Fatal Child Neglection. Sinabi ng prosekyutor na maka-sarili at walang puso ang ginawa ng 2 sa kaawa-awang estado na nangyari sa bata.
Ayon sa talaan ng korte, ang insidente ay nangyari nuong ika-23 ng Abril taong 2016. Hinuli ang magkasintahan sa sala na abandonment at neglection dahil sa pag-iwan ng 1 taong gulang na batang lalaki at 3 taong gulang na batang babae sa loob ng sasakyan sa isang Parking Lot sa Osaka shi, Hirano Ward bandang ala-1:45 ng madaling araw, upang mag-check in sa isang love hotel. Nagtagal ng mahigit 10 at kalahating oras ang dalawa sa loob ng hotel, habang binawian ng buhay ang 1 taong gulang na batang lalaki dahil sa heatstroke.
Matapos madiskubre na wala ng buhay ang batang lalaki, hindi nila ito ini-report dahil sa takot na sila ay arestuhin ng mga pulis. Dumiretso sila sa isang Home Center upang bumili ng cooler at mga deodorizing agents. Isinilid ng dalawa ang bangkay ng bata sa loob ng cooler at nilagyan ng deodorizer upang hindi ito mangamoy.
Nuong buwan ng Nobyembre nuong nakaraang taon (2015), may nag-report sa himpilan ng pulis tungkol sa kapakanan ng mga nabanggit na bata. Ito ay 7 buwan bago mangyari ang insidente.
Natagpuan ang magkasintahan sa loob ng isang Love Hotel sa Sumiyoshi Ward, Osaka. Tinanong ng mga autoridad kung nasaan ang 2 bata. Itinuro naman ng dalawa ang isang parking lot na malapit sa nasabing hotel na kung saan naka-park ang kanilang sasakyan. Ipinakita rin nila ang cooler box na kung saan nakalagay ang labi ng bata, ito ay nasa compartment ng nasabing kotse. Sinabi umano ng lalaki na hindi nila ito ipinasunog at mag-7 buwan na itong nasa loob ng cooler.
Muling dininig ng korte ang kaso ng magkasintahan nuong ika-29 ng Enero taong 2018. Itinanggi ng lalaking nasasakdal na siya ay may pagkaka-mali sa nangyaring insidente sa bata. Siya raw ay “walang responsibilidad sa 2 bata.”
Mayroong ibang klaseng relasyon umano ang magkasintahang nasasakdal. Ang 2 ay nagka-kilala nuong Autumn ng 2015 sa isang Dating Site sa internet. Ibang larawan umano ang ginamit ng lalaki sa kanyang profile. Kahit na hindi pa nakikita ng babae sa personal ang kanyang ka-chat, siya umano ay napa-ibig ng lalaki sa pamamagitan ng pag-chat sa Line at pag-tawag tawag ng madalas. Nuong kalagitnaan ng Marso taong 2016, inanyayahan umano ng nasasakdal na lalaki ang babae (ina ng mga bata) na pupunta sa Hokkaido. Pumayag ang babae at agad na nag-punta sa Osaka gamit ang kanyang sasakyan at dala ang 2 bata. Ngunit hindi dumating ang lalaki. ayon sa testimonya ng babae, kinuha umano ng mga Yakuza ang lalaki kung kaya’t hindi ito naka-sipot. Ang babae at mga anak nito ay 2 araw na nanirahan sa kanilang kotse habang inaantay ang lalaki. Nag-patuloy umano ang relasyon ng dalawa matapos lumipat ang babae at mga anak nito sa Osaka nitong ika-28 ng Marso 2016.
Maka-ilang ulit na rin umano sila nag check-in sa hotel habang iniiwan nila ang mga bata sa loob ng kotse. Nuong minsan ay nasita na sila ng empleyado ng isang hotel dahil sa nakita nito na nasa loob ng sasakyan ang mga bata. Itatawag umano sila ng pulis kapag hindi inalis duon ang mga bata. Mula nuon gumagamit na sila ng parking sa labas ng hotel. Humanap sila ng isang parking lot na hindi masyado daanan ng tao. Upang hindi marinig ng mga dumadaan na may bata sa loob ng sasakyan, isinasarado umano nila ang mga bintana nito. Bago mangyari ang aksidente, minsan raw ay naabutan nilang naliligo sa pawis ang mga bata.
Iginiit ng korte na alam umano ng mga nasasakdal ang panganib sa pag-iwan ng mga bata sa loob ng sasakyan dahil sa sinabing nakitang estado ng mga bata nuong sila ay nag-balik sa sasakyan.
Ani ng nasasakdal na lalaki “maka-ilang ulit na anmin silang iniiwan, sa pag-balik namin bagamat pawisan bumabalik naman sa ayos ang kanilang pakiramdam.” Bagamat nasita na nuon ng isang empleyado ito ay binalewala ito ng dalawa at inilipat lamang ang sasakyan sa ibang parking lot.
Bago pumanaw ang bata, ang narehistrong temperatura sa loob ng sasakyan ng bandang alas-10 ng umaga ay nasa 30 degrees at magiging 38 degrees pa sa pag-sapit ng tanghali. Nanganib din ang buhay ng batang babae na kapatid ng pumanaw na bata. Habang nag-aagaw buhay ang mga bata sa loob ng sasakyan ang magkasintahan ay nasa loob pa ng hotel at umorder pa ng room service bandang alas-10 ng umaga.
Ayon sa prosekyutor, “ito ay isang kahindik-hindik na krimen na sinapit ng mga bata.”
Matapos mangyari ang insidente, tahimik at patuloy na nag-sama ang magkasintahan sa kanilang apartment sa Osaka shi, Higashi Miyoshi District. Nabubuhay ang dalawa mula sa kinikita ng babae, dahil walang trabaho ang lalaki. At kapag hindi umano napag-bibigyan ng babae ang lalaki, nagagalit umano ito sa kanya.
Hinatulan ni Judge Keisuke Masuda ng 9 na taong pagkaka-bilanggo ang lalaking nasasakdal at 6 na taon at 6 na buwang pagkaka-bilanggo ang ina ng mga bata sa salang Paglagay sa Peligro sa buhay ng kanyang mga anak.
Bagama’t hindi kadugo ng lalaki ang mga bata, bilang kasintahan at kinakasama ng ina ng mga bata siya ay may responsibilidad na siguraduhin ang kapakanan ng mga bata.
Source: Sankei News Image: Muramoto Satoshi
Join the Conversation