Tinanggihan ng korte ng Tokyo ang refugee status para sa 4 na lalaking Syrian

Ang mga kalalakihan ay dumating sa Japan 6 na taon na ang nakalilipas, na sinasabi na umalis sila sa Syria dahil sa takot sa pang-aapi

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Tinanggihan ng hukuman ng Distrito ng Tokyo ang mga kahilingan para sa  refugee status ng 4 na lalaking Syrian na tumakas sa kanilang bansa.

Ang mga kalalakihan ay dumating sa Japan 6 na taon na ang nakalilipas, na sinasabi na umalis sila sa Syria dahil sa takot sa pang-aapi, dahil nakikibahagi sila sa mga aktibidad ng pro-demokrasya.

Nag-file sila ng refugee status noong 2015 pagkatapos na mabigyan sila ng temporary stay para sa humanitarian reasons.

&nbspTinanggihan ng korte ng Tokyo ang refugee status para sa 4 na lalaking Syrian
Ang mga kalalakihan ay dumating sa Japan 6 na taon na ang nakalilipas, na sinasabi na umalis sila sa Syria dahil sa takot sa pang-aapi (illustrative image)

Na-acknowledge ng residing judge na si Toshiyuki Hayashi noong Martes na ang isa sa mga nasasakdal ay lumahok sa mga rali ng anti-gobyerno. Ngunit tinanggihan niya ang kahilingan ng nagsasakdal, na nagsasabi na walang nakitang katibayan ng pang-aapi ng pamahalaan.

Pinawalang-saysay din ng hukom ang kahilingan ng isa pang plaintiff, at pinasiyahan laban sa iba pang 2 dahil umalis sila ng Japan sa gitna ng hearing. Sinabi ng kanilang abugado na umalis sila sa Japan upang mamuhay kasama ang kanilang mga pamilya sa ibang mga bansa.

Isa sa mga kalalakihan, 34-taong-gulang na si Joudi Youssef, ang pagtanggi ng hukom ay magsasanhi ng pagtanggal ng lahat ng Syrians sa buong mundo ng mga refugee status.

Sinabi rin niya na hindi maintindihan ng korte na ang mga nasasakdal ay tumakas mula sa isang bansa kung saan maraming mga bayan ang nawasak at  ginagamitan ng mga kemikal na armas. Idinagdag niya na maga-apela siya sa desisyon.

 

Source: NHK
Image: Bank Image
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund