Ayon sa tagapag-salita ng punong ministro nuong Huwebes, mag-kikita sa Linggo sina Prime Minister Shinzo Abe at dating pangulong Barack Obama.
Sabi ni Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga sa isang conference, “ ang pag-kikitang ito ay walang espesyal na kahulugan”, ito ay simpleng pakikipag-ugnayan bilang mag-kaibigan ng Punong Ministro at ang dating presidente na nag silbi mula taong 2009 hanggang 2017.
Ang dating Pangulo ay bibisita sa bansa matapos bumisita sa Singapore, New Zealand at Australia. Ang dating pangulo ay dadalo sa isang pag-pupulong ng isang pribadong organisasyon sa Tokyo.
Nuong taong 2016, nanalo ng isang Nobel Peace Prize dahil sa kanyang intensyon na mag-karoon ng isang mundo na walang nuclear weapons. Siya rin ay ang kauna-unahang Presidenteng na-nunungkulan na dumalaw sa Hiroshima, na nasira dahil sa atomic bomb ng Estados Unidos nuong Ikalawang Digmaan Pangdaigdig.
Dinalaw rin ni Obama at Abe ang Pearl Harbor sa Hawaii upang ipakita ang pagkakasundo ng dalawang bansa na magka-away nuong panahon ng digmaan.
Source: Japan Today Image: Wikimedia
Join the Conversation