Ninja wanted: Magandang sahod, may bonus at may social insurance

Nangangailangan ng Ninja ang isang grupo sa Aichi Prefecture, Mag-apply na!

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Sa panahon ngayon mahirap nang maging Ninja. Unti-unti nang nawawala ang mga ito.

Kailangan ka ng isang grupo ng mga Ninja sa Nagoya, Aichi Prefecture!

Ang mga mapalad na aplikante ay bibigyan ng 180,000 yen ($1,600) na sahod kada buwan, mayroong din na bonus at  commuting allowance. Mayroon din itong Social Insurance.

Ayon kay Yumi Dohara isa sa taga-pamahala sa Ninja Office, “Dahil sa pag-dami ng dumarayong turista sa bansa, nagiging lubhang hinahangad at nagiging papular na ang mga Ninja.”

&nbspNinja wanted: Magandang sahod, may bonus at may social insurance
Ang mga aplikante ay dapat nag-sasalita ng lengwaheng hapones, ngunit kahit ang mga hindi hapon ay maaaring mag-apply.(illustrative image)

Sinabi ni Dohara na mayroong bankanteng posisyon para sa lalaki at babae sa grupo. Hangad nila na maka-punta sa iba’t-ibang lugar upang mag-tanghal.

Tumatanggap na ng mga aplikante ang Hattori Hanzo and the Ninjas, isang tourism promotion group na naka-base sa Aichi Prefecture. Hanggang ika-13 ng Marso ang huling araw ng pag-apply.

Ang Ninja performance team ay binuo ng gobyerno ng Aichi Prefecture nuong taong 2015 upang mas mapa-lakas ang turismo sa kanilang lugar.

Ang 5 ninja na nakasuot ng itim at isang ninja na isinunod sa pangalan ng isang makasaysayang katauhan na si Hattori Hanzo ay sinasalubong ang mga bumibisita at mga pumapasyal sa Nagoya Castle at iba pang mga lugar na malapit dito.

Ang mga aplikante ay dapat nakapag-sasalita ng lengwaheng hapones, ngunit maaari namang mag-apply ang mga hindi hapon. Pipiliin ang pinaka-bagong miyembro ng grupo matapos ang screening at audition.

Puro acrobatic moves ang laging nasaisip ng mga tao kapag napag-uusapan ang mga Ninja, ngunit hindi naman ito ang importanteng bagay o elemento sa pagiging isang modernong Ninja, ani ni Dohara.

“Kakayahan at eksperiensa ang kailangan sa pagiging Ninja, ngunit ang hinahanap namin ay isang tao na mayroong pag-mamahal sa propesyon at nais na palaguin ang tradisyon ng mga Ninja.” Ani ng taga-pamahala na si Dohara.

Para sa karagdagang detalye, mangyari lamang na pumunta sa kanilang English Website. I-klik dito here.

Source: Asahi
Image: Bank Image
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund