Nais ng Japan na pumunta sa bansa ang experienced na mga magsasaka

Inaasam ng gobyerno ni Shinzo Abe na mapataas ang productivity sa tumatandang agricultural sector.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Magsisimula ng tanggapin ng Japan ang skilled na mga manggagawang pang-agrikultura mula sa ibang bansa sa tatlong espesyal na pang-ekonomiyang zone upang mapawi ang kakulangan sa manggagawa at pagbutihin ang pagiging produktibo habang ang mga matatandang magsasaka ay magreretiro.

Ang mga dayuhan ay nakapagsaka na at gumawa ng iba pang mga trabaho sa mga sakahan ng Hapon sa ilalim ng suporta ng isang programa ng teknikal na pagsasanay na inaprobahan ng gobyerno.

Ngunit hindi katulad ng mga tumutulong lang sa mga sakahan, ang mga aplikante na naghahangad na magtrabaho sa mga espesyal na zone ay kailangang mayroong hindi bababa sa isang taon na karanasan sa agrikultura.

&nbspNais ng Japan na pumunta sa bansa ang experienced na mga magsasaka
Ang layunin ay upang mapawi ang kakulangan sa manggagawa at pagbutihin ang pagiging produktibo habang ang mga native na matatandang magsasaka ay magreretiro. (illustrative image)

Ang pamahalaan ay pumili noong Biyernes ng mga espesyal na zone sa Niigata, Kyoto at Aichi prefecture bilang ang unang makakatanggal ng mga may experience na mga dayuhang magsasaka, na may pananaw maibsan ang kakulangan sa manggagawa sa buong bansa

Ang mga staffing agency ay kukuha ng mga karapat-dapat na manggagawa, karamihan mula sa Asya, at sisimulan ang pagtatalaga sa mga lokal na negosyo sa pagsasaka ng taon mula Abril 1.

Ilang mga dosenang katao ang malamang na matatanggap bilang kabuuan. Ang mga aplikante ay dapat nasa 18 taong gulang pataas at may sapat na Japanese-language skills upang magampanan ang kanilang magiging trabaho. 

Ang mga kalahok ay pahihintulutang magtrabaho sa Japan ng tatlong taon, na maaaring makapili ng oras na gusto nila.

Ang mga ahensya ng mga kawani ay may pananagutan sa pagtiyak na ang mga ito ay binabayaran nang kapareho ng kanilang mga kasamahan. Ang mga pagbantay sa oras ng trabaho ay itatakda upang maiwasan ang labis na pagtatrabaho.

Inilikha ng gobyerno ni Prime Minister Shinzo Abe ang mga espesyal na zone pati na ang laboratoryo para sa deregulasyon. May iba pang mga bahagi sa Japan ang nagpahayag ng interes sa pagkuha ng experienced na magsasaka mula sa ibang bansa, ngunit sa ngayon, ang mga lugar na itinalagang zone lamang ang makakagawa ng ganito.

Source: Nikkei
Image: Bank Image
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund