Nag-unveil ng bagong disenyo ng tourist train sa Kyoto

Ipinakita ng train operator ang isang bagong train carriage na nagtatampok ng isang malaking gold oval design sa harapan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang isang train operator sa Kyoto ay nag-unveil noong Martes ng isang bagong carriage ng train na nagtatampok ng isang malaking gintong disenyo sa harap.

Ipinakita ng Eizan Electric Railway Co. ang train na nag-ngangalang Hiei sa media dalawang linggo bago ang paglunsad nito sa Marso 21 sa linya ng Eizan Main. Ang tren ay inaasahan na maging isang bagong atraksyong panturista sa tourist route mula sa central Kyoto papunta sa Mt. Hiei at Lake Biwa, pinakamalaking lake ng Japan sa Shiga Prefecture.

&nbspNag-unveil ng bagong disenyo ng tourist train sa Kyoto
Ipinakita ng Eizan Electric Railway Co. ang train na nag-ngangalang Hiei sa media dalawang linggo bago ang paglunsad nito sa Marso 21(Kyodo)

Ang train ay tatakbo ng 40 minuto maliban sa Martes. Walang dagdag na babayaran ang mga bisita at makikita ang train na may mga hugis-oval na bintana at maluwang na upuan.

Magtatampok ang interior ng isang luxurious design na may mga light-emitting diode device. Sinama ng operator ang iba pang impormasyon sa paglalakbay sa foreign languages tulad ng Ingles at Intsik upang matugunan ang lumalaking pangangailangan mula sa mga banyagang turista na dumalaw sa Kyoto, ang dating kabisera ng Japan.

“Nakikita natin ang pagtaas ng bilang ng mga lokal na turista at galing sa ibang bansa na gumagamit ng train. Gusto namin na maraming tao ang makaranas na sakyan ang bagong train,” sabi ng opisyal ng Eizan Electric Railway.

Panoorin ang video:

Source and image: Kyodo
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund