Tatlong batang babae ang nagtamo ng pinsala noong Linggo pagkatapos silang atakehin ng dalawang boar-hunting dog na nakatakas mula sa kanilang mga Breeder sa Tokushima City
Ayon sa pulisya, naganap ang insidente sa paligid ng 3:30 ng hapon sa isang tirahan sa Kamihachiman-cho. Ang tatlong batang babae, na mga kapatid na babae na may edad na 12, 10 at 8, ay naglalaro sa labas ng kanilang bahay nang lumapit ang dalawang aso at pinagkakagat sila sa kanilang mga binti at braso, iniulat ng Fuji TV.
Ang 10-anyos na batang babae ang dumanas ng mas malubhang pinsala sa kanyang mga braso at binti, habang ang kanyang 12- at 8-taon gulang na kapatid na babae ay nakagat sa kanilang mga binti, sinabi ng pulisya. Ang kanilang mga sigat ay hindi naman life threatening, sinabi ng pulisya.
Ayon sa pulisya, ang mga aso ay pag-aari ng isang 77-taong-gulang na hunter na naninirahan sa parehong lugar. Noong Linggo, nag hunting siya ng mga baboy ramo sa isang kalapit na nayon, nang tumakas ang dalawa sa kanyang mga aso.
Ang mga aso ay nakuha ng mga pulis sa kalaunan at ang kanilang breeder ay kasalukuyang pinag-tatanong kaugnay sa insidente, sinabi ng mga awtoridad.
Source: Japan Today Image: Bank Image
Join the Conversation