Share
Nag-tala ng mahigit ¥3.75 billion na cash ang natanggap ng Lost and Found ng Tokyo police nuong taong 2017, ito ay 2.1% ng nakaraang taon.
Sa sumatotal na ¥2.7 billion, mahigit 70% ang naibalik sa may-ari ng pera.
Mahigit ¥510 million ang halaga ng mga naibalik na pera sa may-ari ng mga ito, samantalang, ang ¥480 million naman ay ibinigay sa pamahalaan ng Metropolitan Tokyo.
Mula sa total na halaga ng napulot, maaaring makatanggap ng hanggang 20% na pabuya mula sa may-ari ang nakakita nito.
At kung sakaling tumangging kuhanin ng naka-pulot ang perang hindi na kinuha ng may-ari, ito ay didiretsong mapupunta sa lokal na pamahalaan upang magamit sa ibang proyekto ng lungsod.
Source: Japan Today Image: Bank Image
Join the Conversation