Dumadami ang bilang ng mga Japanese na pinipiling pumunta ng Pilipinas upang makapag-aral ng English sa abot-kayang presyo para sa paghahanda ng pagkuha ng speaking efficiency-focused college entrance exams at bago dumating ang Tokyo Olympics and Paralympics sa 2020.
Ang bilang ng mga Japanese visitors sa Southeast Asian country ay patuloy na tumataas nitong mga nakaraang taon na umaabot sa 584,180 noong 2017, ito ay dagdag na 9.1 percent mag mula ng isang taong nakaraan, ito ay dahil sa demand ng mga estudyante at mga services industry workers na gustong makapunta sa isang English-speaking environment.
“Ang mga travelers na naglalayong makapag-aral ng English (sa Pilipinas) ay biglang tumaas ang bilang. Mahigit 100 Japanese junior high at high schools ang nag-implementa ng study abroad programs noong 2017,” ayon sa telephone interview ng NNA sa isang official sa Tokyo office ng Philippines Department of Tourism.
Maraming mga Japanese na pinipili ang Pilipinas upang mag-aral ng Ingles dahil sa opisyal na status ng English sa bansa at geographical proximity sa bansa ng Japan, bilang kung ihahambing sa iba pang mga english speaking countries, pati na din sa relatibong low cost of living at mababang tuition.
Ang mga Japanese schools tulad ng Ritsumeikan Uji Junior High School, isang affiliate ng Ritsumeikan University sa Kyoto, at mga cram schools ay nagpapadala na ngayon ng mga estudyante nila sa mga schools sa Pilipinas tuwing school vacations.
Sa paglalayon ng Japanese government na mas patatagin ang English-language test para sa standardized university entrance exams para sa mga mage-enroll sa academic year simula ng Abril 2021, magkakaroon ng mas emphasis sa speaking at writing skills, dagdag na din ang reading at listening proficiencies.
Nakaka-dagdag din ang mga service industries ng Japan sa pagtaas ng bilang ng mga Japanese travelers sa Pilipinas dahil ang ibang mga kumpanya ay nagpapadala ng kanilang mga employees para sa English training programs para sa paghahanda sa 2020 Tokyo Games.
Ang Pilipinas ay mas malapit sa Japan at mas mura keysa sa Singapore at Malaysia, sinabi ni Masaaki Shibata, official in charge of human resources management sa MK Co., isang Kyoto-based major taxi at limousine operator, sa isang email interview. Sinimulan ng MK ang isang training program sa Pilipinas noong 2015, ito ay karagdagan na katulad na training programs sa Australia at Britain.
Source: Japan Today, Kyodo Image: Bank Image
Join the Conversation