Share
Isang 46-taong-gulang na walang trabaho na may dalang kutsilyo ang naaresto matapos siyang pumasok sa Aichi Bar Association building sa Nagoya.
Ayon sa pulisya, naganap ang pangyayari sa paligid ng 5 p.m. Miyerkules sa gusali sa Naka Ward, iniulat ng Fuji TV. Inihayag na si Yoshikatsu Ushimura ay binantaan ang isang babaeng manggagawa sa opisina na nasa ikalawang palapag.
Tinawag sa lugar ang mga pulisya at inaresto si Ishimura sa charge na pagbabanta ng karahasan. Walang namang naiulat na nasugatan sa insidente.
Ayon sa mga ulat ng pulisya, si Ushimura ay dumalaw noon sa bar association upang kumunsulta sa isang abogado tungkol sa kanyang suweldo sa dati nitong lugar ng trabaho.
Source: Japan Today Image: Bank Image
Join the Conversation