Inihayag ng JR West na isang espesyal na bersyon ng Hello Kitty na train ng Shinkansen ang gagamitin ngayong summer.
Ang sikat na character ng Sanrio ay ang magiging disenyo ng 500 Series Shinkansen. Sa ngayon lamang magagamit ang konsepto ng image art. Ito ay may karaniwang kitty-chan na kawaii na tema na kulay pink at puti (na may ilang mga ginto), at may kasamang motif ni Hello Kitty at ang signature na bow.
Ang bagong Hello Kitty train ay tatakbo ng papunta at pabalik ng Sanyo Line sa pagitan ng Shin-Osaka at Hakata stations ng isang beses isang araw, bagamat matatagalan pa bago ianunsyo ang detalyadong schedule. Sa kasamaang palad, hindi kasama sa biyahe si Hello Kitty, bagaman tiyak na magkakaroon ng mga merchandise at customized na mga pagkain.
Hindi ito ang unang pagkakataon na ang JR Group ay nakipagsanib sa Sanrio at iba pang mga franchise upang itaguyod ang mga serbisyo ng pasahero nito
Ang JR West ay dating nagkaroon ng train na Hello Kitty sa Wakayama, bagaman ito ay hindi isang Shinkansen. Kasama na din ang isa pang pakikipagsanib ng bullet train ng Evangelion sa Sanyo Line, na nagsimula noong 2015 at magtatapos sa Mayo. Dati ding ginawa ng JR East ang Genbi Shinkansen, isang high-speed train na nagtatampok ng sarili nitong art gallery.
Source: Japan Trends Image: Sanrio
Join the Conversation