Isang train at isang kotse ang nag-banggaan sa Fukui Prefecture

Banggaan ng tren at kotse naging dahilan sa pagka-antala ng mga byahe ng tren.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Nag-salpukan ang isang kotse at isang express train bandang alas-8 ng gabi nuong ika-13 ng Marso sa Sakai City, Sakai cho Gohon Fuku, Fukui Prefecture.

Ang Limited Express na Thunder Pad (mayroong 9 na karwahe) na train ng JR Hokuriku Line sa Sakai City, Sakai cho Gohon na bumabyahe mula Osaka hanggang Kanazawa ay sumalpok sa kotse ng isang ginang na tinatantyang nasa 60 taong gulang at walang trabaho ng bandang 7:20 ng gabi.&nbspIsang train at isang kotse ang nag-banggaan sa Fukui Prefecture

Sira ang unahang bahagi ng sasakyan ng ginang na sa kabutihang palad ay naka-takas agad bago pa bumunggo ang train dito. Walang pinsalang natamo ang nasabing ginang.Wala rin natamong ano mang pinsala ang mahigit 370 na pasahero ng train.

Ayon sa Fukui Prefectural Police ng Sakai Station, ang pinangyarihan ng insidente ay mahigit 150 metro ang layo mula sa kanluran ng Railroad crossing sa Kawada. Huminto ng lagpas sa guhit ng hintuan ang sasakyan ng ginang.

Ayon sa pamunuan ng sangay ng West Nihon Bashi, nagkaroon ng pagka-antala 2 oras at 48 minutos ang iskedyul ng byahe ng mga tren. Mahigit 6500 katao ang naapektohan dahil sa nangyaring insidente.

Source: Fukui News Online
Image: Fukui Shinbun
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund