Dahil sa hinalang naging isang accomplice sa pagbigay ng maling impormasyon sa isang application para sa renewal ng isang stay visa sa Japan, inaresto ng police ang isang Pilipina, isang temporary contracted English instructor ng City Council of Education ng siyudad ng Gifu (sa kapangalang probinsya ). Subalit, si Maria Leonora Arsilia Hayashi, 47, residente ng Noisshiki, sa capital ng Gifu, ay madiing itinanggi na siya ay lumabag sa violation ng immigration control law.
Ang dahilan ng pag-aresto ay dahil noong Pebrero 23 ng nakaraang taon, naging kasabwat sya sa aplikasyon ng kanyang pamangkin na babae sa pag-renew ng visa.
Ang haken shain na si Ana Lea Novio Deodoro, 27, nanakatira din sa Noisshiki, ay nagpa-extend ng kanyang stay visa na magtatapos sana noong March 13 ng nakaraang taon. Upang makamit ito, siya ay diumanoy nagpasa ng mga dokumento na kunwari siya ay kasal padin kay Yosuke Naito, isang Japanese, 35-taong-gulang na residente ng Hashima (Gifu).
Ang pamangkin at ang diumanoy asawang hapon nito ay nauna ng naaresto ng ika-8 ng ngayong buwan. Sila ay ikinasal noong Augusto 2014 sa Ginan-cho (Gifu). Siya ay pumasok ng Japan noong Abril 2015 at noong Abril ng sumunod na taon ay nag renew siya ng kanyang visa. Noong Enero 2015, nakatanggap ng tip ang mga police na peke ang kasal nito at inimbestigahan ang kaso.
Ang dalawa ay inimbestigahan sa ilalim ng dalawang aspeto: false marriage at irregular records sa public bodies sa Japan.
Binago na ang Immigration control legislation, kasama na dito ang parusa para sa mga false orders, ito ay ipinatupad noong Enero. Ang tatlong nakulong ay ang mga unang tao na nakasali sa pagbabago ng batas na ito sa probinsya ng Gifu.
Source: Mainichi and Gifu Shimbun Image: Bank Image
Join the Conversation