Nuong ika-15 ng Marso, isang unders construction na pedestrian bridge ang gumuho sa Florida, USA. 8 kotse ang nadaganan ng gumuhong bridge. Marami ang napinsala at namatay sa nasabing insidente.
Ang under construction na overpass sa Miami, Florida ay gumuho bandang ala-1 ng hapon nuong ika-15 ng Marso. Ayun sa ulat ng NBC Television base sa imbestigasyon ng mga pulis, mayroon umanong 8 sasakyan na natabunan nung gumuho ang bridge. May mga nasugatan at mga namatay. Sa ngayon kinukumpirma pa nila ang bilang at pagkaka-kilanlan ng mga biktima.
Ayon sa ilang mga saksi, 「Parang napakaraming bomba ang ihinulog mula sa kung saan.」at 「Parang katapusan na ng mundo.」
Mahigit 50 metro ang haba ng nasabing tulay at may bigat na 950 tonelada. Matapos itong buoin sa ibang lugar, nitong ika-10 ng Marso lamang ito ay inilipat sa Waren upang ikabit.
Ipinakabit ang nasabing foot bridge sa tapat ng International University of Florida matapos masagasaan habang tumatawid at mamatay ang isang estudyanteng nag-enroll dito nuong nakaraang taon.
Source and Image: 日テレNEWS24
Join the Conversation